Ruru Madrid nag-iinit kay Solenn; may feelings kay Marian

ruru madrid
Speaking of Ruru, inamin ng turning 17 years old na bagets na kilig na kilig siya kina Marian Rivera at Solenn Heussaff. Para sa kanya, ang dalawang Kapuso actress ang pinakamaganda at pinakaseksi sa kanya.

Gandang-ganda raw siya sa ngiti ni Marian at inamin pa nitong lagi niya itong tinetext para kumustahin. Kilig na kilig daw siya kapag sumasagot sa kanya ang future Mrs. Dingdong Dantes. “Alam naman po ni Kuya Dong yun.

Nakaka-inspire lang talaga kasi ‘yung relationship nila,” hirit pa ni Ruru. “Mahal ko na po siya,” natatawa nitong chika tungkol naman kay Solenn na isa rin daw sa pantasya niya.

Sana nga raw ay mabigyan siya ng projects kasama sina Marian at Solenn. “Dream, pero posible po, di ba? Kaya nga talagang sasabak muna ako sa workshops para mas ma-develop ang acting ko.”

Read more...