Derek, Mary Christine nagkaayos na

derek ramsay
Nakatutuwang malaman na tinapos na nina Derek Ramsay at Mary Christine Jolly ang digmaan nila sa korte. Nu’ng nakaraang Huwebes nang umaga ay nagkita na sa gitna ang magkalabang kampo, iniurong na nila ang kaso nila laban sa bawat isa, kasunod nu’n ang pagpirma nila sa isang compromise agreement.

Ilang buwan ding tumagal ang kanilang labanan, hindi simpleng oras ang ibinigay nila sa pagdinig sa mga kasong isinampa nila laban sa isa’t isa, pero wala ngang problemang hindi maiaayos sa isang simpleng komunikasyon.

Nagkasundo sina Derek at Mary Christine na pananatiliing pribado ang nilalaman ng kanilang pinagkasunduang kompromiso, ang mahalaga ay nagkaayos na sila, magiging masaya na ngayon ang kanilang anak na si Austin Gabriel.

Sa totoo lang, sa kabuuan ng kanilang pagbabangayan ay ang kanilang anak ang unang-unang naaapektuhan, naipagdadamot nila ang isang normal at mapayapang paglaki ng bata, salamat naman at binigyang-halaga ‘yun nina Derek at Mary Christine Jolly.

Hindi na mahalaga ngayon kung sino ang nanalo at natalo, ang importante ay tapos na ang boksing, mahimbing na tulog na ang nakaabang sa kanila ngayon.

Read more...