Joey: Tingin ng tao sa mga politika kundi walanghiya, magnanakaw!!!

joey marquez
“AYOKO na. Ang sarap ng ganitong buhay, e!” Ito ang natatawang pahayag ni Joey Marquez nang tanungin namin kung may balak pa ba siyang tumakbo sa 2016 elections.

Dinalaw namin sa taping ng Forevermore si Tsong sa Tuba, Benguet kamakailan kung saan gaganap siyang tatay ng bagong prinsesa ng ABS-CBN na si Liza Soberano at dito nga namin kinumusta ang kanyang political career at lovelife.

Ayon sa komedyante-TV host, sa ngayon ay nag-eenjoy lang siya sa pag-aartista at sa pag-aalaga sa kanyang mga anak at kahit daw siguro may mag-offer sa kanya na sumabak muli sa politics, baka raw tanggihan lang niya ito.

Naging mayor ng Parañaque si Joey noong 1995 hanggang 2004. Nag-try siyang  tumakbo bilang kongresista sa Parañaque noong 2004 pero natalo siya. Tumakbo uli siya sa pagka-mayor noong 2010 at bilang congressman noong 2012, pero waley pa rin.

“Ang sarap dito, bakit ako babalik. Nakalbo ako du’n. Mas enjoy ako dito kasi ang sarap nu’ng wala kang worries na lumalabas, naglalakad ka, punta ka kahit saan.”

Hirit pa ni Tsong, “Ngayon, ang dumi-dumi ng usapan na politics. Lahat ng tingin ng tao sa pulitiko, kung hindi walanghiya, magnanakaw na, ‘di ba? So, I think, hindi na masyadong may prestige being a politician.

One thing I’m very proud of, I was not a politician, I was a public servant,” diin ni Tsong Joey. Kung matatandaan, nakasuhan din si Joey ng graft case dahil sa diumano’y maanomalyang pagbili ng mga walis-tingting noong nakapo pa siyang mayor ng Parañaque.

Pero naabsuwelto ang aktor sa kaso dahil walang sapat na ebidensiya laban sa kanya, “Kasama talaga yun, e. Kung may nangyari man sa ‘kin sa pulitika, no regrets kasi hindi ako gumastos, e.

Ang sa akin kasi, serbisyo ko ang ibibigay, hindi para bilhin ang posisyon at yun ang pagkakitaan, so okay lang,” aniya pa.Samantala, natanong din namin si Joey tungkol sa kanyang lovelife, hanggang ngayon kasi ay single pa rin siya.

Hindi ba siya naiinggit sa mga kaibigan niyang sina Richard Gomez at John Estrada na pareho nang masaya ang buhay-may asawa? “You know, it doesn’t necessarily follow na you’ll be happy when you’re married, e. I’m very happy for them that their happy, but I’m happy this way.

“Ang sa ‘kin lang naman kasi, siguro wala pa ‘ko talagang nakatapat kasi with Alma (Moreno) it’s 14 years, we got married, ‘di ba? Ang hirap kasing mag-invest sa isang bagay na, you’re not getting any younger and then eventually mawawala.

“So, ‘andun yung factor na baka mangyari na naman ‘to, ‘di ba? Sino ba may kasalanan, ako na naman siguro, ganu’n. So, sabi ko na lang, I’m alone that’s for sure, but I’m never lonely.”

“But of course, naghahanap ka rin kahit paano (girlfriend). Kaya lang, sabi ko nga, ang hirap kasi makakuha ng makakasama mo sa buhay na alam niya, second priority lang siya. Ang mga anak ko ang first priority.

Parati ko sinasabi na, never compete with my children, you will lose, parating ganu’n,” hirit pa ni Tsong. Samantala, excited na si Joey sa pagsisimula ng Forevermore ngayong Lunes sa Primetime Bida kapalit ng Ikaw Lamang na pagbibidahan nga nina Liza Soberano at Enrique Gil directed by Cathy Garcia-Molina.

Umaasa raw siya na susuportahan din ng viewers ang kanilang serye tulad ng pagsubaybay nila sa soap nina Coco Martin at Kim Chiu.

Read more...