Binoe na-shock sa itsura ni BB Gandanghari

Sinadya naming puntahan sina BB Gandanghari at Mariel Rodriguez sa guesting nila sa Paparazzi noong Sabado at talagang pinagkaguluhan ng husto ang “sister” ni Robin Padilla na modelong-modelo na ang dating.

Nagulat lang kami kasi si Mariel ang nag-interview kay BB gayung hindi naman siya host ng Paparazzi kaya ito agad ang tinanong namin sa TV host-actress.

“Kasi yun talaga ang napagkasunduan nilang  magkapatid (BB and Robin) na uuwi siya dito, tapos mai-interview ko siya.

So, very thankful ako kasi pumayag siyang magpa-interview sa akin,” sagot sa amin ni Mariel.

Isang gap lang ang interbyuhan nina Mariel at BB kaya bitin na bitin ang lahat dahil marami pa sana silang gustong malaman tungkol sa sister ni Binoe.

“Sayang nga, e, kasi we were pressed for time. Pero feeling ko naman, yung important na questions, naitanong ko.

‘Yung tungkol sa kanyang ano, sex change. Kasi ‘yun talaga yung maraming gustong makaalam at gustong tuldukan, siyempre.

“Kanina naman, she said na ang nakakaalam lang what’s in between her legs ay siya and, hopefully, ‘yung partner niya.

Dahil doon sa sinabi niya, nakuha ko nang I don’t have to ask it anymore, wala, (sex-change na nangyari),” esplika ni Mariel.

“Ang alam ko, right now, she’s single,” saad pa ni Mrs. Robin Padilla.

At dahil miyembro na rin ng Padilla si Mariel ay natanong siya kung kumusta na ang pakikitungo ni Robin kay BB nang makita niya ulit ang dating kuya?

“Siyempre, nagkagulatan. Hindi naman mawawala ‘yun. Siyempre, love ni Robin si BB bilang kapatid.

“So, siyempre, kung ano yung magpapasaya kay BB, sino ba naman siya para hadlangan yun?” kuwento ng maybahay ni Binoe.

Kilalang matigas si Robin sa lahat ng bagay (maliban sa babae) kaya natanong ulit ang asawa niya kung tanggap na nito si BB?

“Ako ang pananaw ko, si Robin, bilang isang kapatid, tanggap niya ‘yun dahil kapatid niya ‘yun, e.

Pero Robin, bilang isang Muslim, mahirap. So, doon nagkakaroon ng…,” biting sagot ni Mariel.

Sa tanong namin kung kumusta si BB sa bahay nila ni Binoe, hindi raw pala ito talagang nakatira sa kanila,

“Actually, she’s staying with the other sisters, si Ate Rema.

‘Yun naman si Ate Rema ang nagbigay sa kanya ng BB Gandanghari. They’re very close, sinundo pa siya sa airport.”

Samantala, tinanong din kung ano ang ginagamit na pangalan ni BB sa passport niya at natanong  kung nagpalit na ito ng name dahil karamihan sa mga nagpapa-sex change ay iba na rin ang ginagamit na pangalan.

“Alam mo, napakagandang tanong ‘yan.

Actually, I know, but I don’t know if I should say kasi she’s now BB Gandanghari.

May alam ako, pero, sana tinanong ninyo siya kanina,” sagot ni Mariel.

Nabanggit din namin na kung hindi pa siya nagpapalit ng pangalan at Rustom Padilla pa rin ang gamit ay ano ang itsura niya kapag humaharap siya sa immigration officer dahil sobrang higpit sila sa itsura mo at sa litratong nasa pasaporte.

Tinanong din namin  kung tunay ang buhok ni BB, oo raw sabi ni Mariel.

Base sa mga naging pahayag ni Mariel, pakiramdam namin ay hindi pa nagpa-sex change si BB at nananatiling Rustom Padilla ang pangalan niya sa kanyang mga dokumento.

Ano sa tingin mo bossing Ervin? (Feeling ko diyan, Regs wala na talaga ang kanyang pototoy! Ha-hahaha! – Ed)

Read more...