Sweet payag maging ‘BAKLANG KABIT’ ni Luis

SA set visit ng pelikulang “Moron 5 and the Crying Lady” ay tawa kami nang tawa sa revelation ni John Lapus tungkol kay Billy Crawford, pinatotohanan niya na talagang may lahing Amerikano ang TV host-singer kumpara sa mga kasama niya sa pelikula na sina Luis Manzano, Mart Escudero, Marvin Agustin at DJ Durano.

“May eksena sila rito sa movie na nag-macho dancing silang lima. Naka-cycling shorts sila ng hapit.

So, lumabas ang katotohanan, si Billy ay may tatay talagang American, siya ang pinakamalaki!”  seryosong kuwento ni Sweet na ikinaloka namin.

“No, to be honest, kasi kaibigan ko naman ‘yung lima, so walang malisya.

Pero tao lang ako. At saka ang eksena, ayun ‘yung lima, eto lang ako, parang shower party ko, tapos may limang macho dancer,” humahalakhak na kuwento ni Sweet.

Pero hindi naman si Billy ang type ni Sweet kundi si Luis pala,

“Kung boyfriend-boyfriend lang naman, eh, nananawagan ako kay Jennylyn (Mercado) na payagan naman niyang maging kabit ako ni Luis. Hindi ko naman aagawin, willing akong maging kabit habang-buhay.

“Well, kaibigan ko naman si Jennylyn at co-host ko sa Showbiz Central.

Andito siya kanina (set ng Moron 5 and the Crying Lady), pumayag naman na si Jennylyn.

Na kung magkakaroon ng kabit na bakla si Luis, ako daw ‘yun,” kuwento pa.

Pero hindi si Luis ang gustong pakasalan ni Sweet kung sakaling bibigyan ng pagkakataon, si Marvin daw dahil buhay siya sa rami ng negosyo.

At ang tanong daw niya kay Marvin, “Ako, pumapatol ako sa bata.

Ang tanong, ikaw ba, pumapatol sa matanda? Ang sagot niya sa akin, pag-iisipan daw niya!” natatawang kuwento pa ni Sweet.

Read more...