Totoo ba, Katrina Halili buntis daw?

UY, may bahid kaya ng katotohanan ang kumakalat na chika ngayon tungkol kay Katrina Halili?

May mga tsismosa kasing nagtatanong sa amin kung true raw na nagdadalantao ang magaling na kontrabida ng GMA 7.

Ito raw ang sinasabing dahilan kung bakit tsutsugihin na raw si Katrina sa primetime series ng Kapuso network na My Beloved na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Nu’ng huli naming makachika si Katrina sa ginanap na presscon ng My Beloved, sinabi niyang masaya naman daw ang kanyang personal na buhay pero hindi niya sinagot ng diretsahan kung meron nang bagong lalaki sa buhay niya.

Ang huli pang na-link sa kanya ay ang singer na si Kris Lawrence na aniya’y kaibigan na lang daw niya.

Napapanood namin si Katrina sa My Beloved paminsan-minsan at mukhang hindi pa naman lumalaki ang kanyang tiyan, kaya mukhang hindi pa kami kumbinsido na siya’y nagdadalang-tao nga.

At sino naman kaya ang lalaking makakabuntis kay Kat, e, wala rin naman siyang ibinabanderang boyfriend.

Ayon naman sa isang taga-GMA na nakausap namin, wala pa raw silang alam sa balitang mawawala na si Katrina sa My Beloved, wala pa raw advice sa kanila.

So, wait na lang tayo sa magiging sagot ni Katrina tungkol sa chikang ito. Totoo  bang buntis ka Kat?

Read more...