PINIPIGILAN ang inyong lingkod na isulat ang pagpatay kay Christian Serrano, isang 13-anyos na scavenger, tatlong taon na ang nakararaan.
Ang suspek sa pagpatay sa batang basurero ay si police Supt. Angelo Germinal na noon ay chief ng police community precinct sa Makati.
Nagsampa ng gag order ang abogado ni Germinal na si Cesar Brillantes sa Makati Regional Trial Court na dumidinig ng kaso.
Sabi ni Brillantes, bawal sa ilalim ng sub judice rule ang aking ginagawang pagsusulat tungkol sa kaso.
Sa ilalim ng sub judice rule, ipinagbabawal ng kor-te na dumidinig ng criminal case ang paglalathala ng merito ng isang kaso.
Ang sabi ko naman ano ang mauuna, ang kautusan ng korte o ang constitutional provision of freedom of the press?
Nakikita ko kasi na parang pinapanigan ng
korte na dumidinig ng murder case ang akusadong si Germinal.
Pinayagan ni Judge Cristina Javalera-Sulit na makapagpiyansa si Germinal.
Ang kasong murder ay walang piyansa.
Dahil nakapagpiyansa si Germinal, humina ang kaso laban sa kanya.
Sa bail hearing, pinaniwalaan ni Sulit ang testimonya ng isang doktor na hindi naman forensic expert na ang balang ginamit sa pagpatay sa biktima ay hindi tugma sa mga basyo ng .22 caliber long rifle na nakita sa crime scene.
Inamin naman ng doktor kay Sulit na siya’y hindi forensic pathologist na nagsisiyasat sa dahilan ng pagkamatay ng isang crime victim.
Di man lang isinaalang-alang ng magaling na judge ang testimonya ng kasamahang scavenger ni Christian na itinuturo si Germinal na siyang pumatay kay biktima.
Hindi rin pinakinggan ng magaling na judge ang testimonya ng isang eyewitness na nagsabing nakita niyang inumang ni Germinal ang .22 caliber rifle sa bata at pinaputukan ito. Ilang dipa lang noon ang layo ng testigo kay Germinal.
Baka na-pressure si Sulit sa mga makapangyarihang opisyal ng Makati.
Si Germinal ay dati raw isa sa mga bodyguards noon ni Mayor Jojo Binay na ngayon ay Vice President na.
Ipagpapatuloy ko ang pagsulat tungkol sa kaso ng pagpatay kay Christian kahit na ipakulong ako for contempt of court dahil sa sub judice rule.
Para ko nang tinatalikuran ang aking trabaho bilang journalist at concerned citizen kapag tinigil ko ang pagsulat tungkol sa Christian Serrano murder case.
Kaya’t, sige Brillantes at Sulit, ipakulong ninyo ako sa aking ipinakikita na kawalang-paggalang sa
korte na pinapaboran ang maimpluwensiyang akusado!
Sinasabi ng kampo ni Vice President Jojo Binay na may kampanya ng paninira sa kanya upang masira ang kanyang tsansa sa 2016 presidential elections.
Ang kampo raw ni Interior Secretary Mar Roxas ang nasa likod ng kam-
panya na binansagan na Oplan Nognog.
Walang duda na lamang na lamang si Binay kay Roxas sa mga survey on possible presidential candidates.
Pero ang Oplan Nognog ay kathang isip lang ni Binay.
Ibig niyang makuha ang simpatiya ng mga mahihirap at ignoranteng mga botante.
Gustong-gusto ni Binay na tinatawag siyang “nognog” dahil sa kanyang kaitiman.
Ang “nognog” ay isang taong napaka-itim ang ba-lat.
Gustong palabasin ni Binay na kasama siya ng mga ordinaryong mamamayan dahil umano ay kakulay niya ang karamihan sa kanila.
Masyadong pinanga-ngalandakan ng pamilya Binay, na naghahalinhan sa pagpapatakbo ng Makati, na sila’y mga walang hitsura at maiitim dahil pinalalabas nila na sila’y kauri ng masa.
Ginagawa ng mga Binay ang lahat upang mapamahal ang masa sa kanila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.