Meralco dinaig ang Barako Bull sa double overtime

Mga Laro Bukas
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. NLEX vs Talk ‘N Text
7 p.m. Blackwater vs Rain or Shine

KINAILANGAN ng Meralco Bolts ang double overtime para malusutan ang Barako Bull Energy, 112-108, sa kanilang 2014-15 PBA Philippine Cup elimination round game kahapon sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Pinangunahan ni Reynel Hugnatan ang Bolts sa kinamadang 28 puntos.

Nag-ambag naman si Sean Anthony ng 14 puntos habang si John Wilson ay nagdagdag ng 13 puntos para sa Meralco.

Pinamunuan naman ni Chico Lanete ang Barako Bull sa kinamadang 21 puntos habang si JC Intal ay naghatid ng 20 puntos.

Ang Meralco, na hinawakan ng panibagong coach nito na si Norman Black, ay nakuha naman ang unang panalo para makasalo sa liderato ang Kia Sorento, Barangay Ginebra Kings, NLEX Road Warriors at San Miguel Beermen.

Sinamahan naman ng Barako Bull, na nagparada rin ng bagong coach sa katauhan ni Koy Banal, ang Blackwater Elite, Talk ‘N Text Tropang Texters, Globalport Batang Pier at Rain or Shine Elasto Painters na nakalasap ng kanilang unang kabiguan.

Read more...