MAGANDANG araw doc,
Matagal ko na pong iniinda ang kirot sa dibdib ko. Mabilis na rin po akong mapagod para sa edad ko na 22 years old. Normal po ba ito? Nagpa-ECG na po ako ng isang beses, at ang sabi ay normal naman daw po ang heart ko.
Tony
Hello Tony,
Kailangan na masiguro kung ang iniinda mo. At para malaman kung tunay ngang nanggagaling iyan sa puso, kailangan sumailalim ka sa dagdag na test gaya ng 2-D Echo, stress test at iba pa. Maraming posibleng sanhi ng pagsakit ng dibdib, hindi lang galing sa puso kundi pati na baga, mga laman, suso at mga kasukasuhan. Magpatingin ka na sa doktor na malapit sa iyo.
Doc, magandang araw. Ako po si Nilo Bert Albacite taga-Maramag, Bukidnon pwede po mag- ask ngano ngolngol ako hawak apil man ako 8log? Thanks a lot.
Dear Nilo,
Maaaring mayroon ka stones sa ureter o kaya naman ay may impeksyon lang sa ihi. Mag-pakuha ka ng “rinalysis,” uminom ng maraming tubig at iwasan ang mga maaalat na pagkain.
Good morning po Dr.Heal.
Ako po ay si Henry Garcia naninirahan sa Quezon City.
Isasangguni ko po sa inyo ang aking problema kasi hindi mawala ang sipon ko wala naman po akong lagnat at ubo saka bakit ang dilaw ng urine ko.
Minsan bigla na lang akong nahihilo. Ano po ba ang dapat kong inumin na gamot sa ganitong karamdaman. Hangad ko po ang iyong payo at presinsya. Salamat po.
Dear Henry,
Marahil ay na-expose ka sa mga “allergens”, kahit ano na pwede ka mag-karoon ng “hypersensitivity”. Uminom ng maraming tubig.
Magpakuha ka ng blood test (CBC, SGPT, Bilirubin, ESR) at Urinalysis. Maaari ka ring magpatingin sa doktor tungkol dito para maibigay sa iyo ang mga detalye ng iyong karamdaman.