Zoren ‘NAGTAGO’ sa CR nang makita si BB Gandanghari

HALATA na rin ang edad ni BB Gandanghari kung “freshness” ang ating hahanapin kapatid na Ervin.

But since kuwela naman siyang sumagot sa mga tanong at matalino din ang nilalaman ng kanyang emosyon, masarap pa rin siyang panooring sumasagot sa mga interview.

Para siyang si Melanie Marquez pagdating sa poise and being smart, pero siyempre mas articulate at bago ang expressions niya.

“Girl na girl” din ang aura niya habang kinakapanayam ng kanyang hipag na si Mariel Rodriguez sa Paparazzi noong Sabado.

Though wala namang bagong maituturing sa mga rebelasyon niya maliban sa kanyang buhay sa New York bilang androgenous model, siyempre lahat tayo ay nakatunganga sa posibleng mga pasabog niya.

“What is between my legs is my own private thing and that’s for my partner or partners to find out!” ang isa sa mga nakakalokang sagot niya tungkol sa diumano’y pagpapa-sex change niya.

Three months nga siyang mananatili sa bansa at acting ang gustong niyang pagkaabalahan.

Nagbiro pa itong type niyang makasama si Zoren Legaspi na ayon sa tweet ni Ruffa Gutierrez ay hindi mapakali, panay ang CR at nagmamadali pa ngang umalis immediately after their show.

Kaya nga naloka kami sa mga tweet messages patungkol sa asawa ni Carmina Villaroel na akala daw nila ay matapang at palaban, pero kay BB pala ay tensyonado na!

Dedma o walang reaksyon si Carmina nang tutukan namin ito sa live telecast ng Showbiz Inside Report noon ding Sabado.

Baka nga nawarningan na ito ni Zoren who probably got back his senses when he saw BB.

Marahil ay na-realize niyang magiging circus lang ang lahat kung magiging patola (mapagpatol) silang lahat for the sake of ratings, publicity and yes, showbiz scandals!

Read more...