Misis ni Jose nasulsulan kaya dumakdak

Hindi na binigyan ng pagkakataong magpaliwanag

Kuwento ng aming source na may malalim na nalalaman tungkol sa paghihiwalay nina Jose Manalo at Annalyn,

“Kung hindi lang nagtatalak agad si Annalyn sa media, siguradong walang ganitong problema ngayon sa pagitan nila ni Jose!”

Pero nakalala raw sa problema ang pagsasalita ni Annalyn sa mga reporters at talk show sa halip na makipag-usap muna kay Jose.

Mas pinaniwalaan daw ni Annalyn ang payo ng kanyang mga nakakausap na kapag ginamit niya ang media, siguradong matatakot ang komedyante sa kanya.

“Ganu’n nga ang ginawa ni Annalyn, siya mismo ang tumatawag sa mga talk shows para lang siya interbyuhin, naniwala siya sa sulsol ng mga kaibigan niya na kapag ibinulgar niya ang mga pinaggagagawa ni Jose, e, babalikan na siya.

“Pero ano’ng nangyari? Kabaligtaran ng inaasahan niya ang naging reaction ni Jose, mas lumayo tuloy ang loob sa kanya dahil ipinagbuyangyangan nga ni Annalyn ang problema nila sa public.

“Kung ‘yun ba naman, e, tumiyempo muna siya, binigyan muna sana niya ng chance si Jose na makapagpaliwanag.

May concert sina Jose at Wally sa Smart Araneta Coliseum nu’n, kaya natural, hindi agad siya nabigyan ng time ni Jose na makapag-usap sila.

“Kung ganu’n ang ginawa ni Annalyn, panigurado, wala silang ganitong problema ngayon ni Jose.

Mas pinaniwalaan niya kasi ang mga miron, ang mga taong hindi naman talaga makatutulong sa kanilang mag-asawa kundi makapagpapalala pa nga sa problema nila!

“Mas sinunod niya ang payo ng mga taong mas gustong nakakakita ng gulo kesa sa nagkakasundo.

Ano ngayon ang masasabi niya, ano ngayon ang naging resulta ng mga pinaggagawa niya?” nangungunsensiya pang komento ng aming impormante.

May katwiran ang katwiran.

Read more...