“Biyaheng Langit” (2)

Sulat mula kay Katryn ng Gelerang Kawayan, San
 Pascual, Batangas
Dear Sir Greenfield,
1.      1. May boyfriend po ako sa ngayon mahal na mahal ko siya kasi since high school palang ay kami na. Ang problema wala po siyang trabaho at hindi tapos ng college, samantalang ako po ay tapos ng kursong HRM at may magandang trabaho sa isang fast food company. Kaya hindi boto sa kanya ang mga magulang at kapatid ko. Paminsa-minsan ay nagkakaroon siya ng side line kapag bumibiyahe siya ng papasaherong dyip at pag may pagkakataon pag day off ko ay naisasama nya pa ako ng palihim sa biyahe. Nagagalit kasi ang mga magulang ko kapag nalalaman nilang sumasama ako sa biyahe sa boyfriend ko. Minsan ay bumiyahe kami at ng medyo hapon na akala ko ay gagarahe na kami yon pala lumiko siya sa isang motel at doon niya first time na nakuha ang pagkababae ko.
2.      Ang tanong ko compatible po ba kami  at kami na kaya ang magkakatuluyan kahit tutol ang mga magulang ko sa kanya. May pag-asa kaya na magkaroon siya ng matatag na trabaho para payagan na ang relasyon namin ng mga magulang ko. August 13, 1988 ang birthday ko at April 7, 1987 naman ang birthday ng boyfriend ko.
Umaasa,
Katryn ng Batangas
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Leo (Illustration 2.) at Aries naman ang boyfriend mo ay nagsasabing compatible kayo dahil ang Aries at Leo ay may iisang elemento – ang elementong fire o apoy!
Numerology:
Sa pag-aanalisang Numerology ay halos ganon din kung saan ang birth date mong 13 ay sadyang tugma sa birth date  na 7 ng boyfriend mo, dahil pangkaraniwan o kadalasan ng nagkakatuluyan silang isinilang sa petsang 4, 13, 22, at 31 (mga taong ipinanganak sa sumang 4) at  silang isinilang sa petsang 7, 16, at 25 (nga taong ipinanganak sa sumang 7), kung saan, bukod sa sila ang nagkakatuluyan, nagkakaroon sila ng masaya at pang habang buhay na relasyon.
Graphology:
Ang lagda mong mabilis na isinulat, umaalon-alon at nagtapos sa pasibat-paitaas na stroke ay nagsasabing kung hindi ikaw ang makapag-aabroad, tiyak na ang makapag-aabroad ay ang boyfriend mo. Ibig sabihin, kapag nasa abroad na ang boyfriend mo o kaya’y may maganda na siyang kinikita, sa bandang huli papayagan din ng mga magulang at mga kapatid mo ang relasyon ninyo.
Huling payo at paalala:
Ayon sa iyong kapalaran Katryn, sa taong 2015 hanggang 2016 makapag-aabroad ang boyfriend mo at habang siya ay nasa ibang bansa, makakaipon kayo ng malaking halaga, at makakabili din kayo ng sariling sasakyan, hanggang sa sumapit ang taong 2019, sa panahong iyon sa edad mong 31 pataas at 32 naman ang boyfriend mo, magaganap ang inyong kasalan na mauuwi sa isang masaya at pang habang buhay ng relasyon.

Read more...