Noong aking kabataan sa Cavite, ang aming bahay ay napaliligiran ng hardin na may mayayabong na halaman.
Magtapon ka lamang ng buto ng kahit anong prutas o gulay, tiyak na mabubuhay at lalago ito.
Talagang pinagpala kami dahil sadyang mayaman ang aming lupa na hindi na kailangang lagyan ng pataba. Sa murang gulang ay nahilig na akong magtanim ng iba’t ibang halaman, mula sa mga gulay hanggang sa sari-saring uri ng gumamela.
Namangha ako sa ganda ng mga bulaklak at dahil ako ay sadyang mausisa ay sinubukan kong kainin ang mga bulaklak tulad ng sampaguita, kalachuchi at pati ang gumamela.
Dahil may taglay na bango ang sampaguita at kalachuchi, hindi malinamnam ang lasa nito dahil para kang kumakain ng pabango. Hindi tulad ng gumamela, na dahil wala itong amoy ay kaaya-aya itong kainin.
Naglalaro kami ng lutu-lutian ng aking mga kaibigan at isa sa mga paborito naming sahog ay ang gumamela na hinahaluan namin ng pansit-pansitan.
Mula sa gumamela, napunta kami sa pagpitas ng bulaklak ng malunggay, hanggang sa pinagdiskitahan na namin ang kalabasang tanim ng aking ina.
Matingkad na kulay dilaw ang dahon ng kalabasa o flor de calabaza sa Chabacano na tawag ng aking ina. Nagtatanim siya nito sa aming hardin hindi upang magpatubo siya ng malalaking kalabasa, kundi para sa bulaklak nito.
Nakikita ko kung paano niya ihalo ang bulalak na ito sa aming ulam tulad ng Langlang. Minsan naman ay ipinapalaman niya ito ng quesillo o kesong puti saka priniprito.
Mayroong mga bulaklak na hindi lamang ginagamit na pangdekorasyon, maaari ring kainin ang mga ito bilang gulay at ensalada. Pero siguraduhin na ang gagamiting bulaklak ay hindi lantad sa mga pestesidiyo o kahit anong kemikal na makakasama sa ating kalusugan.
Ang susunod na resipe ay isa sa mga malikhaing paraan kung paano gamitin ang bulaklak ng kalabasa bilang pangunahing sangkap sa paggawa ng cream sauce.
Ang resiping ito ay binahagi ng Maya Kitchen.
Pork Roulade with Squash
Flower Cream Sauce
Pork Roulade
1-1.5 kg pork loin with skin on
> juice of 1 lemon
1 tablespoon worcestershire sauce
1 tablespoon liquid seasoning
salt and pepper, to taste
asparagus
batonette slices of cheese and carrots
whole peppercorn, crushed
Squash Flower Cream Sauce
15-20 pieces squash flowers, boiled (squeeze out excess water and remove the sepals or the green leaves under the flower)
3 tablespoons butter
1 cup red wine, reduced to about ¾ cup
3 tablespoons grainy mustard
1 cup all purpose cream
sugar, to taste
salt and pepper, to taste
pork stock, as needed (use to dilute sauce if too thick)
Prepare pork roulade.
Preheat oven to 375°F.
Slice pork loin to about ½ inch thick. Combine lemon juice, worcestershire sauce, liquid seasoning, salt and pepper to make marinade; add in the pork.
Arrange the carrots, asparagus and cheese on top of the meat. Roll tightly like a jelly roll then tie with twine to secure.
Rub the roulade with crushed whole peppercorns before pan searing. Finish cooking in the oven for 45 minutes to one hour. Remove from oven. Allow the roulade to rest before slicing. Serve with squash flower cream sauce.
Prepare squash flower cream sauce. Use a food processor for the squash flowers; set aside.
Melt butter in a pan before adding the squash flowers, worcestershire sauce, liquid seasoning, red wine, grainy mustard and all purpose cream.
Add sugar, salt and pepper depending on your taste. Use pork stock to thin out the sauce if it becomes too thick.
Kung may katanungan o mungkahi, mag text po lamang sa 09175861963. Huwag kalimutan ang pangalan at lugar.