Rayver, Kylie naniniwala sa mga kaluluwang ligaw

kylie padilla
Speaking of horror-suspense movie na “Dilim” na ipalalabas na sa Oct. 22 nationwide directed by Joey Reyes, natanong si Kylie kung may experience na siya sa mga multo dahil tungkol nga sa hindi matahimik na kaluluwa ang kuwento ng pelikula nila ni Rayver.

Inamin ni Kylie na tulad nga karakter niya sa “Dilim”, parang meron din siyang third eye, “Dati kasi nakakita rin ako. Hindi kita yung mukha, e, kita lang yung shape. Nakita ko sa bahay namin.

Umaakyat ako ng hagdan, nakasalubong ko. Mga 13 years old ako nu’n. Kami ng mommy ko ang nakakita.” Sabi naman ni Rayver, though wala pa siyang experience sa nga ghosts, inamin niyang takot talaga siya sa dilim, at naniniwala siya na merong mga kaluluwang ligaw sa paligid, “Nangyayari talaga siya sa totoong buhay (may mga third eye).

May mga nakausap ako na ganu’n. Nakakatakot talaga in a way na hindi siya peke.”  Ka-join din sa “Dilim” sina Ella Cruz, Rafael Rosell, Kevin Santos  Joross Gamboa, Nathalie Hart, Ynna Asistio at Manny Castañeda.

Read more...