NAKAKATUWA naman ang developments sa singing career ng baby nating si Michael Pangilinan. After niyang mag-interpret ng “Pare, Mahal Mo Raw Ako” sa nakaraang Himig Handog P-Pop Love Songs, talagang umarangkada ang kaniyang pangalan sa music industry.
Hindi man siya kasing-sikat nina Martin Nievera and Gary V. (wow, what a reference, di ba? Ganoong level talaga ang peg?) ay nakikilala na kahit paano si Michael kahit saan ito magpunta.
Even boys sing the “Pare” song pag nakakasalubong siya – hindi naman offensive ang dating – halatang they’re just fond of the song. Kaya tuwang-tuwa naman si Michael tuwing binibiro nila.
“Nakakatawa nga kung minsan eh, may nagdyu-joke minsan ng, ‘Pare, mahal kita” at paglingon ko lalaki pala. Hindi naman nang-aasar, yung parang natutuwa lang kaya nginingitian ko na lang sila.
Yung iba nagpapa-picture pa kaya hindi ako nau-offend. “Regardless kung para kanino talaga dapat i-dedicate ang song na ito, kasi nga, kanta ito ng isang lalaki para sa kaniyang gay best friend na may gusto sa kaniya – puwede rin naman kasing i-apply ito kahit kanino regardless of gender eh,” ani Michael.
“May nagtatanong nga kung isasama ba ito sa next album ko sa Star Records – sa palagay ko naman ay isasama namin ito with matching minus one of the song.
For the moment, sa mga gustong marinig yung song, out pa rin naman sa record bars ang Himig Handog 2014,” Michael shares with us. Grabe ang adulation ng fans ni Michael ngayon because of this song.
Yes, kahit paano naman ay kilala na siya noon pa dahil pumatok naman sa airwaves ang song niyang “Kung Sakali” originally sang by Pabs Dadivas in the ’70s.
Ilang buwan din itong nag-number one sa charts ng ilang sikat na FM stations. Plus his five other songs sa self-titled album niyang naka-out pa rin sa Odyssey, Astroplus and SM stores nationwide.
Isa pa sa pinagkakaabalahan ni Michael ay ang pagdalo sa ilang activities and events ng Gabay Guro ng PLDT dahil isa siya sa naniniwala sa kabutihan ng mga guro sa buhay ng bawat isa sa atin.
Though hindi siya nag-regular schooling nitong high school dahil ang latter years niya ay via home study, hindi nawala ang kaniyang pagmamahal at pagrespeto sa mga guro natin.
Kaya sa darating na Dec. 14 ay sasama kami sa kanilang big event sa Kuala Lumpur, Malaysia to honor our teachers everywhere in the world.
“Iba pa rin talaga ang regular schooling. Pag may chance ako next year, gusto kong mag-enroll sa Marketing kasi nasa college na ako. Tapos ko na nga ang high school through a home study program.
Nakaka-miss talaga ang regular schooling,” say ni Michael. Ang laki ng pinagbago ni Michael ngayong nasa mainstream na siya ng music industry.
Natutuwa ako sa developments niya – hindi lang sa kaniyang pagkanta pero pati sa attitude niya towards work and life. Dati-rati kasi ay palagi kaming nagtatalo on certain items – mga lakwatsa and all.
I always remind him that showbiz is not easy and once an opportunity knocks at your door hindi mo dapat ito pinalalagpas.
You have to give your heart to it – focus and some little sacrifices talaga.
Hindi na puwede yung gala rito gala roon – you have to do your homeworks first before anything. Like today, he is guesting sa album event ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra sa ilalim ng baton ng napakahusay and very charming na si Maestro Gerald Salonga sa Glorietta sa Makati.
Dalawa sila ni Morisette Amon ang magiging panauhin dito. Sila rin ni Morisette ang napili ng Star Records para kumanta ng Christmas jingle ng MOR 101.9 kaya this coming Tuesday ay magri-record na sila.
Aside from that, regular ding napapakinggan si Michael with DJ Chacha tuwing Tuesday at 9 p.m. to 12 midnight as love advisers. And once a week na siyang mapapanood sa KrisTV tuwing meron silang musical segment.
Hindi pa rin siyempre siya nawawala sa Walang Tulugan with Kuya Germs sa GMA 7 pagsapit ng Sabado. And ang pinakaabangan talaga ng lahat ay ang kaniyang pinaghahandaang birthday concert sa Music Museum sa Nov. 26.
Napakarami niyang special guests sa “MICHAELabot Ng Mga Kolehiyala: It’s My Time Pare” concert. Nandiyan sina KZ Tandingan, Marion Aunor, Prima Diva Billy and the comic tandem of Le Chazz and AJ Tamiza.
Sa mga boys naman ay sasali sina Luke Mejares and Jimmy Bondoc (ang dalawa naming Panggas), Papa Aljur Abrenica na super-close kay Khel at ang idolo niya sa R&B na si Jay-R.
Sayang nga lang at wala si Pangga Duncan Ramos that day dahil nasa States siya for a very important singing engagement. And huwag isnabin dahil si Tito Butch Miraflor ang musical director niya sa kanyang birthday (19 na siya) concert.
Anyway, napakaraming guestings ni Michael in between. Kasama siya sa isang benefit show sa Music Museum this coming Oct. 22. Nasa Metrotown Mall sa Tarlac naman siya sa Nov. 8 as their featured artist.
Sa Nov. 21 ay special guest si Michael sa “All Requests 3” ni Jed Madela sa Music Museum and come Nov. 29 ay nasa Tarlac naman siya sa show directed by music genius Ding Mercado of the New Minstrels.
Naka-book din siya as special guest ng NE Pacific Mall sa Nueva Ecija on Dec. 30 para sa kanilang early New year celebration and fireworks display.
As early as now ay plantsado na ang Valentine shows ni Michael – one in San Jose, Mindoro and one in Metro Manila and hopefully ay matuloy na ang kanilang 10-city tour ni Marion Aunor (4 sa USA, 4 in Canada, one in Hawaii and one in Guam) sa March.