Wedding proposal ni Erwan kay Anne fake

ERWAN HEUSSAFF AT ANNE CURTIS

ERWAN HEUSSAFF AT ANNE CURTIS

NALOKA si Anne Curtis sa chikang engaged na sila ng boyfriend niyang si Erwan Heussaff.

Meron kasing kumalat na photo na nakitang sweet na sweet sina Anne at Erwan na ipinost ng isang wedding inspirations blog, ang Bride and Breakfast, na ang caption ay ganito, “Literally the SWEETEST engagement!!! Congratulations @erwanheusaff and @annecurtissmith!”

Matapos mai-post ay kaagad ding binura ang photo pero too late na dahil merong nakakuha ng screenshot nito. Kumalat tuloy sa social media na engaged na ang young couple.

Naloka si Anne sa chika. Ang parang pinalalabas kasi ay nasa cupcakes ang engagement ring na ibinigay ni Erwan sa kanya,

“That’s a picture from my birthday 2 years ago. Is that for real? Haha! Laugh trip! Kaloka!” reaction ni Anne sa picture.

Apparently, nakarating kay Anne na kumalat na ang balitang engaged na sila ng boyfriend kaya naman na-amuse ang sexy actress, “Hahaha! Where did this news come from? Just got calls from my friends + my sister asking if I got engaged! LABO! Who kaya started the rumor?” tweet ng dalaga.

Meron namang nag-react na, “Ummm if i were to propose guys, i wouldnt do it with cupcakes. You’d think they would make me look better in a fake proposal #fakenews #oops.”

Anyway, nag-apologize na ang Bride and Breakfast sa magdyowa at sinabing “THE ENGAGEMENT IS NOT TRUE.”

Ang explanation ng website, na-misinterpret ng isang bagong intern ang article na kanyang nabasa kaya naman ipinost niya ang Instagram photo ng dalawa na merong nakasulat na “engaged”.

Read more...