Sulat mula kay Gerald ng Washington St.,
Oroquieta City
Problema:
1. Dati po akong nagse-seaman kaya lang ng makaipon ako ng konting pera ay naisipan kong mag-negosyo. Maraming negosyo ang sinubok ko pero nagkalulugi rin ako at naubos pa ang puhunan at nabaon pa kami sa mga utang. Sabi nga misis ko ay mag-seaman na lang akong muli para makaahon kami sa mga utang. Kaya sa ngayon ay nag-aaplay uli ako sa dati kong agency.
2. Itatanong ko lang kung makapag-aabroad kaya uli ako, at kung muli akong makapagbabarko kailan naman ito mangyayari? March 28, 1981 ang birthday ko.
Umaasa,
Gerald ng Oroquieta City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) ang nagsasabing basta’t lagi mo lang pairalin ang lakas ng loob at tapang, kahit na 34 na ang iyong edad, siguradong sa buwan ng Agosto sa susunod na taon ang suwerte at magandang kapalaran ay kusa ng mapapa saiyo
Numerology:
Ang birth date mong 28 ay nagsasabing kahit na minalas ka sa negosyo, sa susunod na taong 2015, sa edad mong 34 pataas, muli kang dadatnan ng mas marami at mas magagandang suwerte higit lalo sa panahong ikaw ay nasa ibayong dagat na.
Luscher Color Test:
Upang lalo ka pang suwertehin at ng magtuloy-tuloy na ang dating ng magagandang kapalaran lagi kang maghsuot ng kulay na dilaw tuwing sasapit ang petsang 1, 10, 19, 28, 7, 16, 25, 4, 13, 22, 31, 8, 17 at 26, habang ang kulay naman pula naman ang dapat isuot at gamitin tuwing sasapit ang petsang 3, 12, 21, 30, 9, 18, 27, 6, 15, at 24. Sa ganyang pagsusuot ng tama ng kulay sa saktong petsa, mas marami pang suwerte ang kusang darating sa iyong buhay.
Huling payo at paalala:
Gerald ayon sa iyong kapalaran tama ang pagsunod sa iyong misis na sa halip na magnegosyo ng magnegosyo na lang laging lugi naman, mas mainam pang mag-abroad ka na lang ng mag-abroad. Sa walang habas o walang tigil na pagse-seaman na muling magaganap sa susunod na taong 2015 sa buwan ng Agosto sa edad mong 34 pataas, tiyak ang magaganap, basta’t sumampa ka lang ng sumampa sa barko hanggat pinapasakay ka ng inyong kumpayan, sa gawaing iyan sigurado na ang magaganap uunlad ang inyong pamilya hanggang sa tuloy-tuloy na kayong yumaman.
Muling makakasampa sa barko (2)
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...