Horoscope, October 16, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Negosyong may kaugnayan sa kandila at pang-Halloween ang dapat simulan, upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, pag handaan ang pagdating ng kasuyong Virgo may masarap na romansang magaganap. Mapalad ang 2, 10, 27, 34, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Adonai-Om-Elohim.” Green at blue ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Wag munang bilangin ang itlog hanggang hindi napipisa. Kumilos ka lang ng kumilos, imbis na mag-kuwenta agad ng kita. Sa pag-ibig, hindi dapat hanapan ang kasuyo, dahil ikaw din ay maraming pagkukulang. Mapalad ang 3, 17, 26, 35, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Krisna-Rama-Rama!” Purple at yellow ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Hindi dapat malungkot kung nasasaid na ang pera sa bulsa. Sa pagpasok ng buwan ng Nobiyembre, maraming materyal na bagay ang kusang darating. Sa pag-ibig, wag magpabago-bago ng isip at desisyon upang lumigaya. Mapalad ang 6, 15, 21, 30, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Siva-Krisna-Om”. Red at violet ang buenas

Gemini – (May 21-June 21)—May karamdamang kakatok – wag papasukin! Kumain ng maraming prutas upang hindi tablan ng sakit. Sa pag-ibig, magpamasahe sa minamahal, hanggang mauwi ang nasabing massage session sa masarap na romansahan. Mapalad ang 6, 9, 18, 29, 30 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Blue at yellow ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)— Isang kaibigan ang mangangilangan ng tulong! Magtago ka! Siya ang kaibigang hindi marunong magbayad ng utang. Sa pag-ibig, wag ipautang ang salapi na inilalaan sa nalalapit na kapaskuhan. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agiel-Om-Yophiel.” Orange at maroon ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—  Sa pinansyal, kahit kumita ng malaking halaga, isikreto mo lang. Sa pag-ibig, maraming nagnanasa sayong kagandahan, ngunit may isang naka-dilaw na magbibigay sayo ng kakaibang ligaya. Mapalad ang 5, 16, 23, 31, 41, at 39. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Bukod sa dilaw ang gold ay buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Ang ginagawang pagsasakripisyo sa ngayon ay may malaking gantimpala  sa araw ng bukas. Sa pag-ibig, basta’t patuloy kang nagsisikap aayon din sa iyong kagustuhan ang kapalaran. Mapalad ang 7, 14, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gorocha-Om-Sandapha.” Blue at gray ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Suweldo na! Ano ang gagawin mo sa pera? Mali ang sagot mong: “Gagastusin!” Umpisahan na ngayong mag-savings upang paglipas ng 5 years mayaman ka na. Kapag muli kang tinanong, ano ang gagawin mo sap era? “Iipunin ko!” ang tamng sagot. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra” Red at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Ngayon palang pag-isipan na kung paano ise-celebrate ang iyong kaarawan upang makatipid. Sa pag-ibig, may espesyal na regalong matatanggap mula sa kasuyo na hinding-hindi mo malilimutan. Mapalad ang 3, 16, 21, 33, 38 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Blue at maroon ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Mas madaling yumayaman ang mga Sagittarius kung naka-expose sa lipunan. Sa pag-ibig, dalawa lang ang hantungan: kung hindi ka sikat, ang nilalang na iyong mapapangasawa ang sisikat. Mapalad ang 6, 17, 28, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Devasya-Ravaye-Om.” Yellow at red ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Tama ang ginagawa mong pag-iipon! Ngayon palang paglaanan na ang kinabukasan ng pamilya. Sa pag-ibig, sa isang maling balita may pagsubok na darating sa inyong relasyon. Dapat magpakatatag at matutong umunawa. Mapalad ang 3, 16, 24, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Beige at purple ang buenas

Aquarius – (January 20 – February 18)—Maging masaya, sapagkat sa pamamagitan ng masayahing aura, kikita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, lalong iinit ang relasyon kung laging patatawanin ang kasuyo. Mapalad ang 5, 14, 27, 35, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Hahalakhak ako sa daigdig!” Orange at green ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Pahalagahan ang bawat oras. Samantalahin ang bawat segundong dumarating upang pagkaperahan. Sa pag-ibig, mahalaga ang bawat minutong lumipas upang ipadama sa iyong kasuyo ang iyong pagmamahal. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mohaya-Aum-Mitra.” White at silver ang buenas.

Read more...