Elmo galanteng dyowa, b-day gift kay Janine Disneyland Trip

elmo magalona
GOOD influence sa isa’t isa ang magdyowang sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez kaya natutuwa ang kani-kanilang pamilya na all-out ang support sa kanilang relasyon.

Kamakailan, mismong si Elmo ang umamin na girlfriend na niya ang kanyang ka-loveteam, though nasa early stage pa lang ang kanilang relationship, sinabi ng Kapuso actor na parang ang tagal-tagal na nilang magkakilala ng dalaga.

Nagsimula raw manligaw ang binata kay Janine matapos ang huling telserye nila sa GMA na Villa Quintana. “Bago pa lang,” nakangiting sabi ni Elmo nang tanungin kung ilang buwan na silang magkasintahan ng dalaga nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.

Dagdag niya, “Binigyan ko siya ng time na mag-focus sa work.” Ano ba ang nagustuhan ni Elmo kay Janine? “Marami. Malambing, mabait. There’s just something na hindi mo lang ma-explain. We just understand each other.”

Hindi naman maitago ni Janine ang kanyang pagkakilig nang finally ay aminin na ng binata ang tunay nilang estado. Masaya rin siyang boto kay Elmo ang kanyang mga magulang, “They liked Elmo from the start.

Nakikita naman nilang masaya ako.  Nababasa ko rin ang mga interview ni Mama, ‘pag tinatanong siya tungkol sa akin, lagi pa niya akong binubuking!”

Ayon sa cute couple, simple lang ang libangan nila – masaya na raw silang nagde-date at kumakain sa labas. “Food over flowers kasi ako. Palagi lang kaming kumakain,” chika ni Janine.

Kamakailan lang, nag-celebrate ng kaarawan niya si Janine. Sinorpresa pa nga siya ni Elmo ng isang bonggang dinner date. Pero bago ito, dinala muna ng binata si Janine sa Hong Kong Disneyland.

Sey ni Janine, ito na ang pinakanakakakilig na ginawa ni Elmo  sa kanya, “The best! Dream come true talaga!”  Samantala, pati mga fans nila, ‘di rin kinalimutan ang birthday ni Janine.

Sa tulong ng GMA Artist Center at sponsors, sinorpresa rin nila si Janine sa Centerstage sa Tomas Morato nitong Sabado.
“Sobrang saya ko na nandito kayo ngayon. Thank you sa walang sawang suporta,” ani Janine.

Kumakanta si Janine para sa mga fans nang magulat siya at kanyang fans dahil sa pagdating ni Elmo, kaya mas lalong nasorpresa ang birthday girl pati na ang masugid nilang tagahanga.

“Wish namin lahat kay Janine, good health, more power, at sana tumagal siya sa industriya kasi marami siyang napapasaya,” sabi ni Mabel Lamberto, treasurer ng JaninElmoNatics.

Sa isang hiwalay na interview, sinabi ng magsing-irog na naka-focus pa rin sila sa trabaho. Masaya ang dalawa sa bago nilang project, ang seryeng More Than Words.

“I’m just really glad and thankful na binigyan kami ni Elmo ng isa pang project na magkasama ulit,” ani Janine. “Dito siyempre iba rin ‘yung ipapakita namin. Ibang-ibang Janine ang makikita niyo.

Mayroong family morals. Maraming mapi-pick up na values sa show,” sabi naman ni Elmo. “Mas light siya, may element ng comedy. I’m sure maraming fans ng Koreanovela ang magugustuhan ang More Than Words,” dagdag pa ni Janine.

Mapapanood na ang More Than Words sa susunod na buwan sa GMA lang.

Read more...