Kris nabaliw kay Bimby: Bawal na raw akong magka-bf ever!

kris aquino
NABALIW si Kris Aquino nang mag-dialogue ang anak na si Bimby tungkol sa kanyang lovelife. Tila binalaan daw kasi siya ng bagets – huwag na huwag na raw siyang magbo-boyfriend.

Chika ni Kris sa The Buzz last Sunday, one time raw nang makipagkita siya sa ilang kaibigan na nag-iimbita sa kanya para magninang sa kasal, bigla raw tinanong ng mga ito si Bimby, “They we’re asking Bimb, so are you gonna let your Mama have a boyfriend? Sabi niya, ‘No!’ And they said, ‘Why Bimb? I thought it’s okay?’ And then Bimb said, ‘No, because I want to spare her from another heartbreak.’

“Sabi niya, ‘I don’t want her to hurt again so, I don’t want her to be in a relationship.’ Sabi ko, Bimb, automatic mahe-hurt agad dahil nakipag-relationship? Sabi niya, ‘Yeah Mama, how many break-ups have you had?’ Aray! Ouch! So, sabi ko, ouch!” tawa nang tawang sabi ng TV host-actress.

Hirit pa ni Kris, “Seven years old pa lang. Pero, ganu’n talaga. Kailangan nakikinig ka sa kanila. Kasi, when you listen to your kid, they will also listen to you, ‘di ba? Reciprocal.”

Ibinahagi rin ng TV host ang isang eksena kung saan tinanong niya si Bimby kung bakit ang papa niyang si James Yap ay puwedeng magka-girlfriend, pero bakit siya ay hindi puwede, ang tugon daw ng bagets, “Because she’s a girl, Mama.

And I’m a boy, I will stay with you and I will hug you and kiss you anyway.’ So, I think, may selos. Ang girlfriend matatanggap niya kasi nga siguro, babae yun. A new man mahirap tanggapin.”

Read more...