NAGSILANG ng malusog na baby boy si Kristine Hermosa noong Sabado – ito na ang ikatlong anak nila ng asawang si Oyo Sotto. Pinangalanan nila itong Kaleb Hanns Sotto.
Sa Instagram ibinalita ni Oyo ang paglabas ng kanilang baby ni Tintin kasabay ng pagpapasalamat sa lahat ng nagdasal sa panganganak ng kanyang asawa.
“Thank you Lord Jesus for this blessing! #KalebHannsSotto #101114!” ayon sa post ni Oyo with matching picture pa ng kanilang bagong baby.
Bukod dito, nag-post din ang mister ni Tintin ng mga litrato nila ng dalawa pa nilang anak, si Ondria Bliss at ang adopted son nilang si Kristian Daniel.
Kuha ang mga ito nang dumalaw sila sa ospital kung saan nanganak si Kristine. Bukod dito, may nakita rin kaming larawan ni Oyo habang kalong ang baby kasama ang kanyang amang si Bossing Vic Sotto.