Carla sa panliligaw ni Tom: Totoo lang siya, walang maskara!

carla abellana
Dinenay ni Carla Abellana ang mga naglalabasang balita na magdyowa na sila ng kanyang leading man sa GMA TeleBabad series na My Destiny na si Tom Rodriguez.

Ayon kasi sa balita, sinagot na raw ni Carla si Tom noong mag-birthday ito noong Oct. 1, base na rin sa kanyang cheesy birthday message para sa Kapuso TV host-actor.

Sa nasabing birthday greeting, sinabi ni Carla na, “Always remember that I am your partner and your friend before anything else so I’ll be by your side no matter what. Happy birthday, tommy! You are so loved.” Kaya naman inisip ng mga nakabasa nito na “partners” na sila in real life.

Depensa ni Carla, ang tinutukoy niya ay ang tambalan nila ni Tom sa My Destiny na talagang kinakikiligan ng mga manonood. Sey ng Kapuso actress, mas lumalim pa ang pagkakaibigan nila ng aktor dahil sa halos araw-araw nilang pagba-bonding sa taping ng kanilang soap opera.

Pero inamin ng dalaga na naa-appreciate niya ang lahat ng magagandang bagay na ginagawa sa kanya ni Tom, lalo na kapag nasa trabaho sila. Nakikita naman daw niya ang effort ng binata sa panliligaw sa kanya.

Sa isang interview naman natanong si Carla kung kumusta bang manliligaw si Tom, aniya, “Very kind. Hindi yung ano, e…kasi if you have a suitor, laging best foot forward. Nagpapakitang-gilas.

“I don’t see him in that way. Kung sino siya dati, ganu’n pa rin siya. Mas nag-e-effort lang, I guess. So, yun ang maganda, walang pretensions, walang masks or anything.”

Samantala, para naman sa mga loyal viewers ng My Destiny na napapanood pa rin sa GMA Telebabad, mas naniniwala sila na matagal nang may relasyon ang magka-loveteam.

Napi-feel daw kasi nila ‘yun kapag napapanood nila ang mga sweet at intimate scenes ng dalawa. Sabi nga ng isang nakausap namin na adik na adik sa pagsubaybay sa My Destiny, “Sa dami na ng napanood kong teleserye, alam ko na kung may namamagitan talaga sa isang tambalan, o kung peke lang ang sweetness nila.

Itong kina Carla at Tom, ramdam mo ‘yung intense, ‘yung totoong feelings nila sa isa’t isa kahit na ginagampanan lang nila ang mga roles nila.”

Anyway, sabi nga nina Carla at Tom, marami pang mangyayari sa kanilang serye kaya huwag na huwag kayong bibitiw. Kasama pa rin sa My Destiny sina Lorna Tolentino, Al Tantay, Rhian Ramos, Sid Lucero at marami pang iba.

Read more...