Lloydie pinalitan ni Xian sa serye nina Echo at Maja

john lloyd cruz
Tumanggi pala si John Lloyd Cruz na makasama sa upcoming series ng ABS-CBN na Bridges kung saan makakasama sana niya sina Maja Salvador at Jericho Rosales.

Gusto raw muna kasing magpahinga ng aktor pagkatapos ng “The Trial” na mapapanood na bukas sa mga sinehan. Okay lang daw na ipagpatuloy niya ang Home Sweety Home nila ni Toni Gonzaga dahil hindi naman daw mabigat ang mga eksena niya rito.

Ang sabi sa amin ng taga-production, “Ang paborito mong si Xian Lim ang pumalit kay Lloydie, siya ang pinili ng management.”

Wow, ang galing naman ni Xian dahil siya ang kapalit ni JLC, balik-komento namin sa aming kausap. “Kaya nga bibigyan siya ng special workshop in preparation for the serye,” mabilis na sabi sa amin.

Oo nga naman, need ni Xian iyon para handa siya sa mga matitinding eksena nila nina Echo at Maja.

Read more...