DJ Mo epal na naman, tinira ang pamilya ni Binay

dj mo
Pinatutsadahan ni Mo Twister ang mga Binay recently.

Aware si Mo sa mga showbiz affairs at maging sa ating political landscape kaya naman hindi niya siguro napigilan ang mang-okray. Alam n’yo naman si Mo, mahilig makisawsaw sa mga issue at ang tapang-tapang dahil wala siya sa Pilipinas.

“I’m thinking of breaking into Binay’s 350 hectare estate wearing all black sweater/pants, black mask & hope to be mistaken for his naked son,” tweet ni Mo.

Kaloka talaga itong si Mo, ha! Talagang pati ang skin color ng mga Binay ay pinakialaman niya. Akala mo naman kung sinong mestiso ang hitad kung magsalita.

Hamon muli ng netizens sa DJ na ito, umuwi raw siya sa Pilipinas at dito siya magdadakdak, tingnan lang natin kung saan siya pupulutin.

Matapang lang daw kasi magsalita si Mo dahil ang layo-layo niya!

Read more...