Mary Christine mas tumindi ang galit kay Derek, nainsulto sa pagso-sorry kay Angelica

derek ramsay
Nainsulto si Mary Christine Jolly when Derek Ramsay publicly apologized to Angelica Panganiban who was unwittingly dragged into the issue  matapos siyang sampahan ng kasong concubinage ng asawa ng hunk actor.

Sa nabasa naming reaction sa isang website, it said that Mary Christine felt insulted na kay Angelica nag-sorry si Derek samantalang hindi man lang ito humingi ng paumanhin sa kanya at sa kanilang anak matapos nitong i-deny ang kanilang existence simula 2002.

We feel na tama naman si Mary Christine. Kung may dapat mang hingan ng sorry si Derek, una dapat ang kanyang anak at ang ina nito. Imagine, they were living incognito for many years dahil hindi sila isinapubliko ni Derek.

What could be more painful than that? Imagine, Derek was living a bachelor’s life tapos meron pala siyang asawa at anak na hindi naman niya kinilala at kinailangan pang sumailalim sa DNA test para patunayang anak nga niya ito.

Actually, masakit na ma-deny ka. Mas masakit na kailangan pa ang DNA test para patunayan mo lang na anak mo ang isinilang ng dyowa mo.

Aware kaya si Derek sa pains na pinagdaanan ng kanyang asawa? O, talagang wala siyang paki kung anuman ang mga dinanas nito dahil hindi niya naman ito minahal ever in the first place?

Read more...