Niresbakan ni Charice ang lahat ng mga namba-bash sa kanya sa social media. Nag-ugat ang panlilibak ng ilang netizens sa international singer nang magsalita siya tungkol sa mga Pinoy na hindi pa rin matanggap ang pagiging tomboy niya.
Masama ang loob ni Charice dahil feeling niya, hindi naa-appreciate ng kanyang mga kababayan ang kanyang achievements sa music imdustry.
Bakit daw parang lagi na lang siyang dina-down ng ilang mga Pinoy mula nang ibandera niya ang tunay niyang pagkatao.
“I’m just being truthful. Ever since I started, it has been like that.
In this show business, talagang mas vocal ang haters kaysa sa supporters. And I just want to thank all the supporters na kahit hindi sila vocal about their support for us artists,” sey ng singer.
Kamakailan, naglabas si Charice ng kanyang emosyon sa Twitter tungkol sa walang-tigil na pambu-bully sa kanya ng netizens. Kaya nga ang tanong niya sa madlang pipol, “Kung kamukha kaya ako ng isa sa pinakaguwapong artista ngayon, tapos same achievements, iba kaya ang trato?”
Samantala, muling nagpasalamat si Charice sa kanyang pamilya sa muling pagtanggap sa kanya at sa girlfriend niyang si Alyssa Quijano, “As long as my family tells me that they are proud of me and they think I’m doing the right thing, okay na ako doon.”