Dalawa ang boyfriend

Sulat mula kay Katlyn ng Alano Street,  Zamboanga City
Dear Sir Greenfield,
Naisipan ko pong sumangguni sa inyo dahil sa kasalukuyan dalawa ang boyfriend ko at nais ko lang malaman kung sino sa kanilang dalawa ang makakatuluyan ko. Sa ngayon kasi ay pareho ko silang mahal at pareho din nila akong nagagalaw. Sino po ba sa dalawang boyfriend kong ito ang mas ka-compatible ko na dapat kong makatuluyan. February 28, 1989 po ang birthday ko. Habang iyong una kong boyfriend ay sinilang noong September 2, 1988 at yong ikalawa naman po ay January 27, 1988 naman ang birthday. Sana po ay mapayuhan nyo ako kung sino ang dapat kong makatuluyan sa kanila upang magkaroon ako ng isang maunlad at maligayang pag-aasawa kung sakaling mamimili na ako sa kanilang dalawa ng mapapangasawa at makakasama ko habang buhay?
Umaasa,
Katlyn ng Zamboanga City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kahit na dalawa ang boyfriend mo sa ngayon iisa lang naman ang malinaw at magandang Marriage Line (Drawing A. At B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin sa panahong nag-asawa ka na, kahit na may pagka-play girl ka sa ngayon, mananatili ka paring tapat sa lalaking iyong mapapangasawa, upang sa panahong may pamilya ka na, tulad ng nangyayari sa ngayon at mangyayari pa sa future, sa larangan ng pagpapamilya habang buhay ka paring magiging maligaya.
Cartomancy:
Six of Hearts, Ace of Clubs at Ten of Herats ang lumabas (Illustrraion 1.). Ang mga barahang ang nagsasabing sa panahong ng pag-asawa, kahit pa dalawa ang boyfriend mo sa kasalukuyan, basta’t ang pipiliin mo lang ay isang lalaking may initial na A.R., tulad ng nasabi na, nakalaan na sa buhay mo ang magkarooon ng isang maligaya, masagana at pang habang buhay na pag-aasawa.
Itutuloy….

Read more...