Paulo ayaw pang ipakilala si KC Concepcion sa pamilya | Bandera

Paulo ayaw pang ipakilala si KC Concepcion sa pamilya

Ervin Santiago - October 13, 2014 - 03:00 AM

paulo avelino

HINDI pa pala nakikilala nang personal ng pamilya ni Paulo Avelino ang rumored girlfriend nito na si KC Concepcion. Ayon sa sister ng aktor na si Honey Avelino, isa sa mga kasali sa reality show ng ABS-CBN na I Do, with her boyfriend Emil Bautista, never pa nilang na-meet si KC.

Sa presscon kamakailan na ibinigay ng ABS sa final five couples ng I Do, natanong si Honey kung boto ba siya sa TV host-actress para kay Paulo, oo naman daw – kung sino ang mahal ng kapatid niya ay mamahalin din daw ng pamilya nila.

“I haven’t met her personally pero I really want to get to know her more. If ever Paulo wants to be with her in the future, why not?” chika ni Honey kasabay ng pagsasabing “pretty” at “mabait” naman daw ang anak ni Megastar Sharon Cuneta.

Ibinuking din ni Honey sa presscon ng I Do ang ilang “sikreto” ng kapatid, aniya, kahit noon pa raw ay pa-mysterious na ang binata, “Ever since we were young, reserved talaga siya.

Kasi medyo independent kami growing up. I’ve got a strict dad, tapos yung mom ko kasi parang she wants us to learn life on our own, na parang hindi kami na-baby.”

Nang tanungin naman kung totoong magdyowa na sina Paulo at KC, “Friends daw sila,” pabiting sagot nito sabay sabing, “Di ba, ang babae naman talaga, mas open mag-kwento. Ang lalaki mas reserved.”

Bilib na bilib din daw siya sa kapatid, at kung meron man siyang ina-admire na ugali nito, “For me, siguro, yung pagiging not open niya, kasi that’s what keeps him more mysterious, e, and people want him more.

But aside from that, yung talent, kasi kahit di siya mag-open, yung galing niya talaga. “Sabi ko nga, e, when I’m watching his shows, kahit nung bata pa siya, once he wants something, once he does something, talagang binibigay niya lahat.

At talagang nakikita ko talaga ‘yan while he’s acting, lahat lahat pinagaaralan, di siya pupunta doon nang di siya prepared. At doon ako talaga bilib sa kapatid ko,” chika pa ni Honey.

Samantala, in fairness naman kay Honey, hindi niya ginamit si Paulo para makuha ang atensiyon ng manonood na tumututok sa I Do hosted by Judy Ann Santos.

Actually, kung  hindi nga lang sinabi ng isang source, hindi rin namin ito malalaman. “I’d like to say naman na when we entered, at first, we auditioned. Nag-audition talaga kami. “Unlike sa iba na invite.

We were not invited. We joined the audition process, tapos ayun.  “Siguro, of course, I’m sure malaking factor din yung kapatid si Paulo, siyempre sikat. That helped us entering.

Pero siyempre, while we were inside, hindi ko naman din (sinabi) siyempre ayoko na parang ma-judge na ‘Uy! Kapatid ni Paulo,’ with the other couples,” paliwanag ng dalaga.

Naiintindihan din daw ni Honey at ng dyowa niyang si Emil ang mga kanegahang komento laban sa kanila ng ilang viewers, “Siyempre, people with judge you, lalo na reality show, di ba, syempre iba-iba opinions ng tao, kung ayaw mo or gusto mo, hindi mo mapigilan ‘yan.

So, if you want it, then all good, kasi di ba it comes with what you’re entering, e.” Bukod sa kanila, ang iba pang couples na natira sa village ng I Do na patuloy na maglalaban-laban hanggang sa huli ay sina Christian at Chelsea; ang Korean na si Jimmy at ang Pinay na si Kring; Chad at Sheela; at sina Chris at Karen.

Kasama pa rin ni Juday sa nasabing realiserye ang life coach na si Pia Acevedo, at psychologist at marriage counselor na si Dr. Julian Montano. Sino nga kaya ang susunod na mapapaalis sa I Do village?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ano-ano pang pagsubok ang haharapin ng natitirang couples? Sa huli, aling couple ang tatanghaling ehemplo ng isang matibay na relasyon na pipiliin ng taongbayan at magwawagi ng grand wedding at iba pang premyo gaya ng P1 million, house and lot at isang negosyo package?

Tutukan ang ang ‘journey to happy ever after’ sa I Do, pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya tuwing Sabado at pagkatapos naman ng Rated K tuwing Linggo sa ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending