True ba, Marian nabwisit, nagtaray sa taping?

marian rivera
May nakapagsabi sa aming ang laki na ng ibinait ni Marian Rivera ngayon. As compared to the time when she was still being managed by Popoy Something, hindi hamak daw na mas mabait na ang dyowa ni Dingdong Dantes ngayon.

Medyo nabawasan na raw ang katarayan nito at madali nang maka-adjust sa crowd. But recently, nasulat na nagtaray si Marian sa isang lady fan na nag-watch ng dance show niya.

Fan daw kasi ang matandang babae ng Sex Bomb na nagkataong guest ni Marian sa show. In her excitement, super tili raw ang lady fan na nakakuha ng atensyon ni Marian who wasted no time in confronting her.

Natulala raw ang avid Sex Bomb fan nang tarayan siya ni Marian at sabihan daw na, “Gusto mong ipakuyog kita sa mga fans ko?” Aray ko! Hindi pa ba nagbabago si Marian o isa lamang paninira ang nasulat sa kanya?

Dapat ba naming paniwalaan ang mga press-friends naming nagsabing mas mabait na ang dyowa ni Dingdong ngayon?
Anyway, ang feeling namin ay bait-baitan lang naman si Marian kapag nasa Eat Bulaga siya.

Ang pagkarga-karga niya ng bata dahil nakyutan siya rito ay bahagi lang ng kanyang image-building. Siyempre, pinapatay na nila ang dating imahe ni Marian na palaban, talakera, palengkera at palaaway.

Hindi n’yo ba napapansin lately ay panay ang projection your honor ni Marian sa Instagram account niya na siya’y isang eleganteng babae, na mataas ang taste niya sa pananamit at maging sa pagpili ng accessories.

It was just not a case of just posting a photo for posting’s sake. May mas higit na rason doon and that is to project a sophisticated persona. Siyempre, hindi naman aware ang fans sa ganyang analysis.

Read more...