MAY mga nanghuhula na baka sundan ni Judy Ann Santos ang mga yapak ni Gov. Vilma Santos pagdating sa pagiging actress-politician. Ayon sa ilang nakakausap namin tiyak daw na mananalo si Juday kapag tumakbo siya sa 2016 elections.
Sa isang interview kasi natanong si Juday kung posibleng pasukin din niya ang mundo ng politika one day, tulad nga ni Ate Vi, ang tugon ng actress-TV host, “Hindi. Ayoko talaga.” Dagdag pa ni Juday, wala pa naman daw nag-o-offer sa kanya na tumakbo sa 2016 sa kahit anong posisyon.
Sey pa ng misis ni Ryan Agoncillo, “Hindi ko yata kaya ang stress ng politics. Ayokong magsalita ng tapos, ano, kasi baka kainin ko. Pero hindi ko nakikita…though bilib ako sa mga artistang pumapasok sa politika kasi ibang stress ‘yun, ha!”
Speaking of Juday, makakasama ang Soap Opera Queen sa isa na namang bonggang event ng Puregold Priceclub, ang kauna-unahang KAINdustriya national convention na magaganap sa World Trade Center sa Pasay City na Okt. 14 at 15. Ka-join niya rito sina Yeng Constantino, Mitoy Yonting at Arnel Pineda.
Layunin ng KAINdustriya na targetin ang mga miyembro ng HORECA Food Industry na kinabibilangan ng mga hotel, restawran, at cafés at pati na rin ang mga food-related businesses gaya ng mga canteen, catering, food stalls, at local na mga karinderyas.
Nasa ilalim pa rin ito ng Tindahan Ni Aling Puring program. Imbitado lahat ng mga food resellers at lahat ng mga miyembro ng HORECA Food Industry sa grand convention na ito.
Bahagi ng KAINdustriya grand national convention ang sandamakmak na activites gaya ng Ka-Asenso Cook Off Challenge at isang kakaibang Points-Reward-Program kung saan maaaring bumili ang mga miyembro ng mga participating items na magbibigay sa kanila ng puntos upang magkakuha ng mga pabolosong gift items.
At siyempre, magkakaroon din sila ng chance na makita up close and personal sina Juday, Yeng, Mitoy at Arnel na siyang magbibigay ng dagdag saya event.
Inaasahang lalong lalaki ang KAINdustriya matapos convention lalo na ngayong dumadami ang mga Pinoy foodies na mas eksperimental at adventurous pag dating sa kanilang dining experiences.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang opisyal na webist ng Puregold sa www.puregold.com.ph, i-like ang opsiyal na pahina ng Puregold sa Facebook.