Charice may relasyon sa alalay na foreigner?


NAKAKALOKA! Ang dami-daming nagtatanong tungkol kay  Charice at sa foreigner niyang “alalay”.

At iisa lang ang tinutumbok ng kanilang mga pang-uusisa – ano raw ba ang tunay na relasyon ng dalawa? Meron ba?

Sa aming radio show na “Klik Showbiz” sa Radyo Inquirer 990 AM tuwing hapon (kasama ang aming friendship na si Jenene), sandamakmak ang nagte-text, sila’y nagtatanong kung bakit daw laging nakadikit ang mestisang foreigner kay Charice kahit saan daw ito nandu’n.

Ang sagot namin, siyempre, personal assistant niya ang magandang girl, kaya natural na lagi itong nakabuntot sa kanya.

Alangan namang iwan niya ang kanyang “alaga”, of course, trabaho niya ang bantayan at pangalagaan si Charice anywhere she goes.

Pero sabi nga namin, hindi natin masisisi ang ating mga kababayan na magkaroon ng malisya sa pagitan ni Charice at ng kanyang alalay, e, di ba nga, may mga kumakalat na tsismis na may pagkatibo ang ating napakagaling na singer.

Pero sabi nga ni Charice,  mahalin na lang natin siya kahit ano o sino pa siya! At respetuhin na lang natin ang sinabi niyang,

“Whether I’m a boy or a girl, I’m a person. Just love me! I’m Charice!”

Read more...