Sa isang interview ay ipinamukha kasi niyang unreachable na ang Megastar.
“Siguro ‘pag masyadong yumayaman ang isang tao nag-iiba.
Nakakalimutan ang kanyang roots,” say ni Helen.
“I feel that it is not right na ang pamangkin ko ay masyadong matayog.
I could feel that she’s so unreachable. Hindi ko na siya maabot,” dagdag pa niya.
Napa-ouch kami sa binitiwan niyang salita laban kay Sharon.
Nakarating na kay Sharon ang mga pahayag ng tita Helen niya at nang may magtanong sa kanya kung alam na niyang sinabihan siyang unreachable ay ito ang sagot niya, “Really? Probably cause of all the politics between my husband and uncle Tito.
We haven’t spoken in a while cos of course, masakit sa amin yon.”