NAKIUSAP po ang pinsan ko para itanong sa inyong column na Aksyon Line ang kanyang concern. Siya po ay isang manggagawa ng construction. Kakapasok lang po nitong September. Gusto niya pong itanong kung mababalewala ba ang PhilHealth na ibinigay ng munisipyo dahil hinanapan daw siya ng requirement sa pinagtatrabahuhan niya nga-yon at nalaman na sila daw ay sakop ng Philhealth na bigay ng munisipyo.
Ano po ang dapat niyang sabihin sa employer at ano ang dapat niyang gawin?
Henry
(REPLY)
Pagbati mula sa Team PhilHealth!
Ito po ay kaugnay sa katanungan na ipinadala sa Aksyon Line ni G. Henry, tungkol sa kaso ng kanyang pinsan.
Nais po naming ipabatid na hindi po mababalewala ang PhilHealth ng inyong pinsan na ibinigay ng munisipyo ngayong siya ay mayroon ng trabaho.
Ayon po sa polisiya, ang mga aktibong miyembro ng sponsored program (SP) gaya ng inyong pinsan na nagkaroon ng trabaho ay makakagamit pa rin ang benepisyo bilang miyembro ng SP sa loob ng validity period ng kanyang membership. Hindi na po kailangang palitan ang kanyang membership category hanggat valid pa po ang kanyang pagiging SP member.
Gayunpaman, nakatakda rin po sa polisiya na kailangan pong bawasan ng kaukulang kontribusyon ng kanyang employer ang isang SP member na nagkaroon ng trabaho. Ito ay alinsunod sa polisiya na sumasakop naman sa employed sector. Ang mga kontribusyon po na madodoble bilang SP member at employed member ay maari pong ipa-adjust sa pagkakataon po na nahinto na siya sa pagtatarabaho. Kailangan lamang po niyang ibigay sa kanyang employer ang kanyang PhilHealth Identification Number (PIN) upang maayos na ma-ireport sa PhilHealth ang mga ibabawas sa kanyang kontribusyon.
Sana po ay aming na-bigyang linaw ang inyong mga katanungan. Kung kayo po ay may iba pang nais na malaman sa programa ng PhilHealth maari po kayong tumawag sa (02) 441-7442 o mag-email sa actioncenter@philhealth.gov.ph at malugod po namin kayong paglilingkuran.
Maraming salamat po.
CORPORATE
ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.