Horoscope, October 11, 2014

Para sa may kaarawan ngayon:  Sa araw na ito may sopresang matatanggap na ikagalak ng iyong puso. Sa pag-ibig, isaalang-alang ang kinabukasan ng pamilya upang huwag magkamali ng desisyon. Sa pinansiyal, malaking halaga ng salapi ang mahahawakan. Mapalad ang 7, 13, 22, 34, 40 at 49. Mahiwagang mantra: “Graha-Dosya-Jawala.”  Red at green ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) – Hindi dapat magpaimpluwensiya sa gusto ng iba. Ipatupad ang sarili pasya. Sa pag-ibig, manatiling tapat sa minamahal. Sa pinansiyal, pagkakataon mo nang sumugal sa mga produktong may kaugnayan sa grocery at butil. Mapalad ang 5, 14, 18, 26, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Sakra.” Pink at maroon ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) – Sa pinansyal, mas malaking halaga ang kikitain kung matututong mag-meditate. Sa pag-ibig, laging yayain ang kasuyo sa pagsisimba at iba pang gawaing may kaugnayan sa espirituwalidad. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 39 at 46. Mahiwaga mong mantra:  “Egosum-Om-Obre-Om.” Lilac  at silver ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) – Umpisahan nang magtipid dahil malapit na ang Pasko. Huwag bumili ng mga bagay na hindi masyadong kailangan. Sa pag-ibig, matutuwa ang kasuyo sa sandaling nalaman niyang marami ka na palang savings. Mapalad ang 8, 15, 23, 28, 33 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Navy blue at red ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) –  Sa pag-ibig, hindi dapat pahalagahan ang pisikal na anyo, sundin ang tinitibok ng puso. Sa pinansiyal, aangat ang graph ng pag-unlad habang nag-aamoy simoy-Pasko ang kapalgiran. Mapalad ang 5, 8, 23, 36, 45 at 47. Mahiwag mong mantra: “Rama-Krishna-Krishna-Krishna.” White at blue ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) – Huwag pakialaman ang buhay ng iba. Ang sariling diskarte ang atupagin upang yumaman. Sa pag-ibig, hindi dapat mainggit sa kaligayahan ng iba, maaari mo ring paligayahin ang iyong sarili kapag marami ka ng pera. Mapalad ang 4, 9 19, 27, 39 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Mandala-Ketu-Ayin.” Purple at magenta ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) – Huwag kang puro plano na hindi naman natutupad. Ang mas mas mahalaga ay mag-materialize ang iyong ideya upang ikaw ay yumaman. Sa pag-ibig, ayain ang kasuyo na magnegosyo na may kaugnayan sa produktong pamasko. Mapalad ang 3, 15, 25, 30, 42 at 43. Mahiwagang mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum.” Magenta at violet ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) – Malapit na ang Pasko kaya ngayon pa lang ay mamili na ng mga pangregalo. Sa ganyang paraan, malaki ang matitipid mo. Sa pag-ibig, tuloy ang masayang pakikipagrelasyon sa isang Virgo. Mapalad ang 5, 15, 24, 32, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jhana-Om-Pad-Meh-Om.” Green at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) – Ngayon pa lang paghandaan na ang nalalapit na kaarawan! Mag-ipon para may pam-blowout sa mga nangangantiyaw. Sa pag-ibig, mamayang hapon ay uwian ang kasuyo ng isang pagkaing malamig, matamis at madaling matunaw. Mapalad ang 9, 12, 18, 27, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Magenta at white ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) – Huwag patulan ang isang kasamahang atribida, sisirain lang niya ang araw mo! Mag-concentrate sa ginagawa, huwag nang masyadong makipagdaldalan. Sa pag-ibig, sa kasuyo ikuwento ang lahat ng sama ng loob, mauunawaan ka niya. Mapalad ng 1, 11, 16, 25, 34, at 48, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Om-Kedemel.” Yellow at Purple ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) –  Negosyong may kaugnayan sa butil at mga kalakal na pang-agrikultura ang magpapayaman sa iyo. Ipatupad mo na ngayon. Sa pag-ibig, kapag maunlad ka na at maramig pera, kusa ka na ring liligaya. Mapalad ang 5, 16, 23, 34, 41 at 49. Mahiwag mong mantra: “Rama-Rama-Krishna-Krishna.” Red at blue ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) – Pahalagahan ang pamilya! Sa pinansiyal, ngayon iplano na agad kung paano mapapaligaya ang pamilya sa nalalapit na kapaskuhan. Sa pag-ibig, hangga’t hindi ka nakakatagpo ng isang isinilang sa zodiac sign na Libra ay malabo kang lumigaya. Mapalad ang 7, 16, 25, 31, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Mimu-Soph-Agu-Ferrea.” Maroon at beige ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) – Panahon na upang humingi ng tulong sa iba. Isang kasamahan sa  trabaho na isinilang sa zodiac sign na Cancer ang tutulong sa iyo. Sa pinansiyal, isang kaibigang Virgo ang mag-aabot ng malaking halaga. Mapalad ang 1, 23, 26, 33, 45 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Haram-Haram-Aum.” Green at yellow ang buenas.

Read more...