Team Manila handa ng lumaban sa FIBA 3×3

HANDA nang sumabak sa aksyon ang Manila West sa pagsisimula ngayon ng FIBA 3×3 World Tour Finals sa Sendai, Japan.
Ang Manila West ay binubuo ng mga PBA players na sina Meralco Bolts forward Rey Guevarra, Globalport Batang Pier guard Terrence Romeo at ang mga NLEX Road Warriors na sina Niño Canaleta at Aldrech Ramos.

Ang Manila West ang tumalo sa world champion Doha ng Qatar, 21-17, sa FIBA 3×3 Manila Masters final noong Agosto sa SM Megamall Fashion Hall.

Ang Team Manila, na nasa Pool B, ay makakaharap ang Sao Paolo ng Brazil ganap na ala-1:10 ng hapon bago muling sumalang ganap na alas-2:55 ng hapon kontra Bucharest ng Romania.

Kung magwawagi ang mga Pinoy cagers sa kanilang mga laro makakapasok sila sa quarterfinals.

Read more...