Derek ipaglalaban si Angelica laban sa dating asawa

angelica panganiban
NAG-APOLOGIZE na nga si Derek Ramsay sa ex-girlfriend niyang si Angelica Panganiban na nakaladkad sa away nila ni Mary Christine Jolly nang sampahan din ito ng kasong concubinage. Sa Twitter nga ipinadaan ni Derek ang kanyang sorry.

“I would like to apologize to angel, her family and all her fans for what’s happening right now. I assure you hindi ko sya papabayaan,” tweet ni Derek.

He added that Angelica has already accepted his apology. Tinawagan din niya ang nanay ng aktres para mag-sorry.
We feel na the case was out of Derek’s horizon, he didn’t see it coming.

Hindi niya na-foresee na pati si Angelica ay madadamay sa away niya kay Mary Christine. He didn’t see na puwedeng makaladkad sa kaso ang ex-girlfriend niyang si Angelica.

Ang alam namin, six years ang itinagal ng relasyon nina Derek and Angelica. Their relationship went shaky when ABS-CBN made a report about Derek’s having a wife.

Nagalit nang husto ang hunk actor dahil hindi siya pinrotektahan ng kanyang network. Sa kanyang galit, he entertained the idea of moving out of ABS-CBN. Luckily, there was a willing network, TV5.

He left ABS-CBN but reiterated that it was not because of money. Wala namang naniwala sa kanya. Bakit naman niya ipagpapalit ang Dos sa isang network na mababa ang viewership kundi pera ang dahilan?

It doesn’t make sense, ‘di ba, na sabihin niyang hindi pera ang dahilan ng kanyang paglipat sa Kapatid network.

Read more...