Matteo: Sana kami na ni Sarah hanggang huli!

sarah geronimo
Noong makausap namin si Matteo Guidicelli sa presscon ng pelikulang “Moron 5.2”, inamin nitong unti-unti na silang nakaka-adjust ni Sarah Geronimo bilang magkarelasyon.

Nagsimula kasi ang relasyon nila ng very private, pero nang umamin na sila sa buong mundo ay talagang nakabantay na ang madlang pipol sa bawat galaw nila.

Kaya naman sila na ang nagkukusang mag-adjust to each other’s schedules, demands and sumpong. “Hindi naman 24 hours na masaya ka, di ba? Sa nature ng work namin lagi kaming dapat mag-feel good kahit may nararamdaman kang sakit ng ulo or whatever.

Minsan kapag magkikita kami at the end of the day or may usapang dinner or hang-out with friends, ubos na ang energy mo.
“Then may mga pagkakataong hindi nag-swak yung greeting o biruan ninyo, hayun minsan nauuwi sa sumpong.

Those petty and natural things between couple and even among friends di ba?” kuwento ng guwapo at mas fit ngayong si Matteo.
But the fun side according to him is their effort to always make things lighter, “Si Sarah lagi niyang bitbit yung positivity sa lahat.

Kahit sa gitna ng baha at matinding ulan, may baong jokes iyan na matutuwa ka,” dagdag pa ng aktor. Subalit gaya ng dati, tigas pa rin sa pagtanggi ang aktor hinggil sa tunay na petsa ng kanilang “anniversary” na laging tinatanong ng mga kafatid natin sa panulat.

Sey nito, “Hayaan na lang po ninyo sa amin yun. Ibalato na lang ninyo.” Sinagot din nito ang tungkol sa future nila ni Sarah, “Sana nga siya na. Ganu’n naman, di ba? Kapag meron tayong karelasyon ay gusto nating mag-last.

We always  wish and pray na sana kayo na. It’s a work in progress. Marami pa kaming pagdadaanan.”

Naniniwala din si Matteo na wala siyang sinagasaan o inapakan bilang latest recruit ng tropang “Moron 5” na kinabibilangan nina Luis Manzano, Billy Crawford, DJ Durano at Marvin Agustin, with John Lapus.

Ang orig cast member na si Martin Escudero ang nawala sa bagong bersyon ng movie ni direk Wenn Deramas at si Matteo nga ang kapalit nito. “I don’t have any say on that kasi when it was offered to me naman, it’s a role na sinabi nilang para sa akin.

Kaibigan ko si Martin at nakakasama ko din siya dati. Hindi ko alam kung bakit hindi siya kasali sa part two ng movie,” esplika ng guwapong aktor.

“Moron 5.2: The Transformation” ang eksaktong titulo ng movie na pinagbibidahan din nina Mylene Dizon, Yam Concepcion, Nikki Valdez, Joy Viado at Danita Paner.

Ayon pa kay direk Wenn, “Maraming sitwasyon na iba sa part one. Yung mga haharapin dito ng Moron 5 ay kakaibang adventures at misadventures na hindi pa napapanood sa mga movies ko.

“Talagang pinag-isipan na namin kasi pangit naman kung sasabihin naming nakakatawa pero walang bago? Alam naman natin ang iba diyan, kung makapanglait ng trabaho natin ay para bang inuulit lang natin ang luma?”

Sa Nov. 5 pa ang playdate ng “Moron 5.2: The Transformation” mula pa rin sa Viva Films.

Read more...