Angelica, Derek kinasuhan ng concubinage

derek ramsay
NAGSAMPA ng kasong concubinage ang estranged wife ni Mary Christine Jolly laban sa ex-husband niyang si Derek Ramsay at sa naging girlfriend nito ng anim na taon na si Angelica Panganiban sa Parañaque Prosecutor’s Office.

Ayon sa report, ginamit ni Mary Christine ang tell-all interview ni Angelica sa isang magazine bilang katibayan na nagkaroon ng relasyon ang aktres kay Derek habang kasal pa sila.

Base kasi sa Article 334 of the Revised Penal Code, maaaring magsampa ng concubinage ang isang misis laban sa kanyang mister, “who shall keep a mistress in the conjugal dwelling, or shall have sexual intercourse, under scandalous circumstances, with a woman who is not his wife, or shall cohabit with her in any other place.”

At kapag napatunayang guilty sa nasabing kaso, pwedeng makulong ang lalaki mula anim na buwan hanggang anim na taon, habang ang babae naman, “may be prohibited from being within 25 kilometers of the husband for a specified length of time.”

Ngunit nilinaw naman ni Mary Christine na wala siyang personal na galit kay Angelica, pero umaapela siya sa girlfriend ni John Lloyd Cruz na  magsalita na tungkol sa naging relasyon nila ni Derek.

Kamakailan ay naghain ng kanyang sworn reply-affidavit sa Makati Prosecutor’s Office si Mary Christine kaugnay pa rin ng kasong isinampa niya laban kay Derek for violation of Republic Act 9262 o Violence Against Women and Their Children Act noong June.

Read more...