Ariel Rivera fresh na fresh pa rin, parang di tumatanda

ariel rivera
NU’NG isang araw ay nag-taping ang Bagong Kilabot Ng Mga Kolehiyala na si Michael Pangilinan para sa The Singing Bee sa ABS-CBN at nagkataong nasa isang dressing room ang pangalawang Kilabot Ng Mga Kolehiyala na si Ariel Rivera (ang original ay si Hajjii Alejandro in the ’70s) who was guesting naman yata in another show.

Miss na miss ko si Ariel because during the time when he held on the title of being Kilabot Ng Mga Kolehiyala, I was working then for Backroom ni Kuya Boy Abunda who managed him.

Talagang saksi kami kung papaano naging phenomenal si Ariel who was then fresh pa from Canada kung saan siya lumaki at nag-aral.

Grabe ang panahong iyon – kung paano pinagkakaguluhan si Ariel sa bawat show niya, kung paanong halos magiba ang schools and malls tuwing may show si Ariel. Ibang klase ang presence niya noon – pandemonium everywhere.

Nagyakapan kami ng super love naming si Ariel nang pinasok ko siya sa dressing room. And in fairness sa kanya, he didn’t age ha. Young-looking pa rin.

Nakakatuwa dahil he was in a good mood nu’ng araw na iyon kaya sarap ng batian namin. Then nilambing ko siya to pose for a photo with my alaga na si Michael Pangilinan – pabiro kong in-introduce ito sa kanya as, “Ariel, siya si Michael, ang bago kong alaga.

Siya na ang papalit sa trono mo as the Kilabot Ng Mga Kolehiyala”. Tumawa si Ariel nang sabihin ko iyon. Habang nagpu-pose siya with Michael.

“Ayoko talaga ng title na iyon before. I wasn’t comfortable. Sige, sa iyo na ang title na iyan,” biro ni Ariel kay Michael.
Nakakatuwa, di ba? Parang pormal na niyang ipinasa ang titulo kay Michael not because of anything else pero dahil hindi siya talaga komportable sa titulong iyon before, na siyang naglagay sa kaniya sa pedestal.

But of course, he was grateful to everyone who built him up sa showbiz. He loved singing pero ilang na ilang talaga siya sa said title. Ha-hahaha!  Napangiti lang si Michael, pero siyempre, happy siya sa gesture na itong ni Ariel.

Ako naman, bilang stagemother and Ariel’s friend way, way back pa, siyempre maligaya rin. Thanks, Ariel. Anyway, Michael is very busy these days. Bukas ay haharanahin niya ang mga contestants sa Mutya Ng Pilar sa Pilar, Bataan sa imbitasyon ni Mayor Alice Pizarro (sister in law ni Tita Shirley Pizarro ng Manila Bulletin).

Sa Saturday naman ay dadalo si Michael sa presscon ng LGBT community headed by our dear friend Bemz Dumlao Benedicto as their male ambassador.

Kakantahin ni Michael ang “Pare, Mahal Mo raw Ako” kasabay ng pag-e-endorse niya sa LGBT para sa kanilang advocacy.
Grabe kasi ang suportang ibinigay ng LGBT kay Michael nitong nakaraang Himig Handog P-Pop Love Songs 2014 when he interpreted Joven Tan’s entry “Pare, Mahal Mo Raw Ako.” Kumbaga, ang friendship between Michael and LGBT will go a long way.

“We need heterosexual friends na naniniwala sa aming advocacy. And we are very happy and proud na buo ang suporta sa amin ng anak-anakan na rin namin si Michael na hindi lang basta magaling na singer/performer kungdi mabuting kaibigan ng lahat.

Kaya sa anong oras at pagkakataon ay nandito lang kami para suportahan siya,” ani kaibigang Bemz Benedicto who is the Secretary-General ng LGBT Philippines.

“I have so much respect for gays, lesbians and all. Kasi nga, marami akong kaibigang tulad nila and we have so much fun together. Iginagalang nila ang mga desisyon ko – kung kaibigan, kaibigan lang.

Wala kaming malisya sa isa’t isa and I am proud of them,” ani Michael na patuloy ang pag-arangkada sa kaniyang singing career.

Michael will also guest in the following events: Oct. 22, sa isang launching concert ng isang girl group sa Music Museum; Oct. 30 sa Taguig for a corporate event; Nov. 21 as one of special guests sa show ni Jed Madela sa Music Museum na “All Requests 3”; at sa Nov. 26, he mounts his birthday concert sa Music Museum with several special guests; Dec. 14, he will join PLDT sa Gabay Guro shows sa Malaysia and Singapore.

Maliban sa mga special events na ito ay regular ding napapanood si Michael sa KrisTV (once a week) at Walang Tulugan sa GMA every Saturday and he also regularly co-hosts with DJ Chacha sa MOR 101.9 tuwing Martes bilang young love adviser.

Meron namang isang grupo na gustong ipa-back-to-back concert series sina Michael and Marion Aunor dahil they sound very good together. Kaya by March next year ay lilibutin ng dalawa ang Canada. US (including Hawaii and Guam) in a 10-day concert tour.

“Marami ang natutuwa kay Michael kasi nga, iyan ang kulang sa atin ngayon. Kailangan ng industry ng young, good-looking at mahuhusay na singers.

“At siyempre, yung lalaki talaga. Kaya nakita nila iyan kay Michael. Kaya suwerte ng timing ni Michael, he just came at the right time when everyone’s hungry with someone na total package na,” anang isang kaibigang writer na mataray na napakahirap i-please dahil masyadong choosy. Ha-hahaha!

Read more...