MAY pinagtrabahuhan ako ngayon. Pinag-work ako pero wala pa kaming contract tapos yung iba ay one month na pero wala pang salary. Tapos ang cut sa salary namin ang laki, samantala ang usapan namin net na ‘yun.
Ang hirap ng pasweldo, minsan isang beses lang sa isang buwan tapos kulang pa. Ngayon ay nagsara na ‘yung company at hindi na namin mahanap ang pinaka-head. Hahabulin sana namin yung ibang bayad pero hindi na namin makontak. Sa kanila rin ang Spark Agency.
Ang sabi ng head sa agency noon kahit daw magreklamo kami wala naman daw kami contract na pinanghahawakan.
Bago pa man ako mag-start work, hinahanap ko na ang contract wala namang ibinigay. Ano po ba ang dapat naming gawin?
Ms. Guerrero
ng Makati
REPLY: Para sa iyong katanungan Ms. Guerrero, magtungo ka sa Makati field office ng Deparment of Labor and Employemnt.
Ikuwento mo ang iyong concern sa Single Approach Desk Officer (SEDO). Ibigay ang name ng company na iyong pinasukan, pati address at lahat ng mga kasamahan mo sa trabaho na may concern dito at tutulungan ka ng DOLE na mahanap ang kompanyang iyon.
Kung SEC registered, BIR registered, DTI registered ay mahahanap ng DOLE iyon lalo na at may pangalan ka ng ahensiya. Hanapin mo si Director Rowie.
Base naman sa iyong reklamo na walang ibinigay na kontrata, ito ay isang paglabag dahil ang bawat trabahador o manggagawa ay kinakailangang may kontrata na pinanghahawakan.
Bago pa man magsi-mula sa trabaho ay kinakailangang lumagda na sa kasunduan sa paggawa.
Ang pagtanggap sa trabaho ay dapat gawin sa pamamagitan ng isang kontratang nakasulat at nilagdaan ng amo at manggagawa.
Ang manggagawa ay dapat magkaroon ng kopya ng kontrata. Ang kontrata ay dapat na maglaman ng mga sumusunod na indikasyon: petsa ng simula ng trabaho, sweldo at iba pang mga aspeto ng ugnayan ng trabaho.
Ang mga batas at re-gulasyon na may kinalaman sa pamantayang batas para sa paggawa. Batas para sa kontrata o “Labor Contract Law” ay napakahalagang sandata ng isang manggagawa at kinakailangang hingin ito sa inyong employer
Dir Nicon
Fameronag
Director/
Spokesperson
DOLE
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.