Jinkee lumabas ang kayabangan, ibinandera ang mga mamahaling pabango, branded na bag

jinkee pacquiao
Nakakaloka pala itong si Jinkee Pacquiao, ha.

Alam na naman ng sambayanan kung gaano sila kayaman ni Manny Pacquiao pero parang gustong ipagyabang ni Jinkee ang kanyang latest acquisitions.

In the Facebook account of Manny ay buong ningning na ipinost ni Jinkee ang kanyang perfume collection. Sanrekwang imported na pabango ang kanyang ipinost with this caption, “I’am a hard working mom so I deserve to be rewarded..

Finally I got my latest perfume. Thank you papa Jesus for all the blessings. “Eto po isa sa mga weakness and collections ko. Thank you to my realiable perfume and other imported brands supplier like Hermes, LV Etc,” she added.

Hindi pa doon nagtapos ang kanyang pagyayabang. She also posted her bag collection na siyempre pa’y milyones ang halaga. In one photo, she clutched four bags in one hand and another four in her other hand.

Jinkee pala love FLAUNTING her riches. Pero parang napaka-insensitive naman daw niya bilang isang politiko.  Oh, well, ikaw na ang maging NOVEAU RICHE!!!

Read more...