Coco Martin walang sama ng loob sa Bench

coco martin
WALANG sama ng loob si Coco Martin sa may-ari ng Bench na si Ben Chan sa kabila ng kontrobersiyang kinasangkutan niya matapos rumampa sa nakaraang The Naked Truth underwear show.

Ayon kay Coco, hindi masisira ang relasyon nila ni Ben Chan nang dahil lang sa isang issue. Napakalaki raw ng tinatanaw niyang utang na loob sa Bench dahil anim na taon din siyang inalagaan at sinuportahan ng kumpanya.

Natutuwa rin si Coco na nalagpasan niya ang pagsubok na ito at nangakong mas magiging maingat na siya sa mga susunod niyang proyekto.

At ngayong naayos na ang problema sa pagitan ni Coco at ng ilang women’s group, makikita mo kung sino ang tunay na responsable at concerned sa welfare ng nakararami.

Nauna nang nag-issue ng apology ang Bench sa lahat ng mga na-offend ng ginawa nila sa underwear show, isang patunay kung gaano bina-value ng pamunuan ng Bench ang kanilang relationship sa kanilang mga endorsers, lalo na kay Coco.

Nangako rin ang Bench na mas magiging responsable sa mga susunod nilang proyekto. “Bench remains committed to upholding the rights and dignity of women.

It will continue to support its various,  ongoingcommunity projects in the areas of environment, health, livelihood, nationbuilding, culture and education,” sabi pa ng pamunuan ng kumpanya.

Samantala, sa kabila nga ng kinasangkutang iskandalo, nananatiling mataas ang rating ng Primetime Bida series na Ikaw Lamang na napapanood pagkatapos ng Hawak Kamay.

Nangako ang Dreamscape Entertainment na marami pang dapat abangan ang viewers sa pagpapatuloy ng kuwento nina Gabriel (Coco), Andrea (Kim Chiu) at Natalia (KC Concepcion).

Kasama rin dito sina Joel Torre, Amy Austria, Boyet de Leon, sa direksiyon nina Malu Sevilla, Avel Sunpongco at Manny Palo.

Read more...