Totoo ba ang tsismis na ngayong wala nang proyekto sina Xian Lim at Kim Chiu ay dedma na rin sila sa isa’t isa?
True ba na hindi na sila nag-uusap ngayon, ni palitan ng text message ay waley na? So, ano ‘to?
Naggamitan lang sila noon habang umeere ang My Binondo Girl?
Nu’ng Martes ay humarap si Xian Lim sa entertainment press, ito’y sa presscon ng 20th anniversary ng Star Magic, at ayon sa aktor until now ay maganda pa rin ang relasyon nila ni Kim.
“Wala namang mababago sa nangyari sa amin porke’t natapos ang soap.
It’s not gonna change. Katulad nga ng sinasabi ko palagi, I’m always here to make her feel special,” depensa ni Xian.
Ayon pa sa guwapong binata, “We maintained a good friendship.
Nothing’s changed.
Kung may mabago man, it’s probably growing,” sabay sabing tuluy-tuloy pa rin daw ang pagde-date nila ni Kim kay mas lalo pang lumalalim ang kanilang special friendship.
“Of course, it’s getting deeper kasi you’re getting to know the person more,” dagdag pa ni Xian na inamin ding nakilala na niya ang ilang kapamilya ng aktres na mula pa sa Cebu.
Pero aniya, ayaw naman daw niya itong lagyan agad ng malisya at isiping anytime soon ay magiging dyowa na niya si Kim,
‘”Siyempre naman, wala namang masamang kumain ng dinner kasama ng family.
Wala namang masama doon. I’m just saying na I’m really happy na na-meet ko na sila.
Parang I’m getting to know the person more.”
And yes, tuloy na tuloy na rin ang pelikulang pagsasamahan nila ni Kim, very soon daw ay magsisimula na silang mag-shooting.
Aside from this, kasama rin si Xian sa latest offering ng Star Cinema, ang “The Reunion” with Jessy Mendiola, Enchong Dee, Julia Montes, Kean Cipriano at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.