Goma laging pinagtitripan si John Lloyd noon sa Palibhasa Lalake

john lloyd cruz
Kung si Dennis Trillo ay super happy sa paglalarawan niya sa pagsasama nila ni Richard Gomez sa “The Janitor” na iririlis ng Star Cinema nationwide beginning Oct. 8, si John Lloyd Cruz naman ay “nagyabang” sa pagsasama nila muli ni Goma sa isang proyekto, ito ngang movie nila na “The Trial” under Star Cinema.

“Sorry na lang kay Dennis, mas masuwerte ako sa kanya kasi bata pa lang ako, nakakaeksena ko na si Goma,” ani JLC na ipinagmamalaki kung paano siyang inookray at pinagtitripan noon ni Richard sa sitcom na Palibahasa Lalake.

“Ako kasi, talagang nagisnan at naabutan ko pa ang todong kasikatan ng isang Richard Gomez at kung paano itong tinitingala sa showbiz bilang isa sa pinakamagagaling na aktor,” hirit pa ni Lloydie.

At dahil muli silang magkasama sa family drama na”The Trial”, “Siyempre ibang level na ang tingin ko sa ‘the’ Richard Gomez. Iba na ang experience talaga. There are a lot of things na nag-mature na rin.

Pero wala pa naman ako du’n sa kategoryang tatawaging ‘the John Lloyd Cruz.’ Parang ayaw ko naman. Kay Goma na lang yun,” sey pa ng mahusay na aktor.

Nauwi nga sa kantiyawan during the presscon ng movie ang sinabi ni JLC, lalo na ng mag-react si Goma nang, “Para namang napaka-classic ko na o Jurassic na ako! Ha-hahaha!”

Sa “The Trial” ay kakaibang John Lloyd ang mapapanood dahil isang mentally-challenged person ang ginagampanan niyang role. Sa direksyon ni Chito Roño, masisiguro nating de-kalidad na naman ang pelikula, at sugal nga itong matatawag ng Star Cinema dahil first time na gaganap sa movie si John Lloyd bilang isang lalaking may problema sa pag-iisip.

Tampok din sa “The Trial” sina Jessy Mendiola, Enrique Gil, Benjamin Alves, Sylvia Sanchez at Gretchen Barretto. Showing na ito sa Oct. 15.

Read more...