Never ko namang ikinahiya ang nakaraan ko! – Sylvia Sanchez

sylvia sanchez
I JUST love Sylvia Sanchez – hindi lang bilang alagad ng sining kundi pati sa pagiging ulirang asawa and ina, or vice versa, whichever comes first.

Natural, for every woman, she’s first a mom bago ang pagiging wife, di ba? Mula nang makilala namin si Sylvia in the early 90s (or late ’80s ba iyon?) ay never namin siyang nakitaan ng pagbabago ng ugali.

She’s still the same old banana – maganda, masarap kausap and very real. Hindi siya sugar-coated and through times, from that sexy image, she transcended to become of the country’s best actresses of all time.

“Marami rin akong pinagdaanan sa pag-aartista ko, pati sa personal kong buhay. Pag niri-refer nila akong dating sexy dancer or starlet before, hindi ako nau-offend dahil kasama iyan sa tuition fees ko bago ko man narating ang maliit na posisyon ko sa showbiz.

Ang mahalaga ay hindi ko sinayang ang mga pagkakataong inilatag sa akin ng nasa Itaas.  “Diyos ko, kung alam lang nila lahat kung ano ang mga pinagdaanan naming mag-anak sa buhay.

Kung hindi lang siguro matatag ang pananampalataya ko sa Itaas, hindi ko alam kung saan na kami pupulutin ngayon,” ani Sylvia who recently left with husband Art Atayde for a short vacation sa Europe. Maybe for their nth honeymoon.

“You have to have so much love with your partner to understand the real meaning of love and relationship. Mahalaga ang respeto sa isa’t isa. Tiwala and all. Basta ako, I will always be a mother first bago asawa.

Malinaw iyan sa mga pananaw ko sa buhay. Pero nagagawa ko namang pagsabayin dahil kahit siya, ganu’n din sa mga anak namin.

“He’s a very responsible dad. Tulad halimbawa ni Arjo, since nag-aartista na rin ang anak namin, he would be his number one critic too. Parang ako rin iyan.

Kaya lang, mas madaldal ako, si Art kasi ay simple lang tumira. Pangisi-ngisi lang iyan pero dama mong proud father iyan tuwing napapanood niya si Arjo sa TV, lalo na sa Pure Love.

“Tinapos ko lang ang shoot namin ng ‘The Trial’ with John Lloyd Cruz where I play his tomboy-mom. Ang ganda ng movie, sobra. Nakakaiyak! Advise ko nga sa mga manonood, huwag panyo o tissue paper ang dalhin ninyo pag nanonood kayo, tuwalya dapat dahil hahagulgol kayo sa maraming eksena.

Mangingilabot kayo. Nakakaloka ang roles namin ni Vice de Jesus dito as parents ni John Lloyd. Ako tomboy while Vince is bakla. Kung papaano nabuo si Lloydie as our son here ay na-explain naman sa movie,” ani Sylvia.

“Nakakatawa nga. Pero ang galing talaga ni Direk Chito Roño. Natawa nga ako nu’ng tanungin ko siya kung bakit ako ang kinuha niyang tomboy na nanay ni Lloydie.

Sabi niya, nu’ng panahon daw namin, nu’ng sexy star pa raw ako, sa mga kahilera ko that time, ako raw ang parang tomboy maglakad. Boyish kumbaga kaya when he got the script at nakita niya ang character ng tomboy-mother ni John Lloyd, ako kaagad ang naisip niya,” kuwento pa ni Ibyang (as we fondly call her).

Nag-leave daw muna siya sa kaniyang daily soap na Be Careful With My Heart after niyang mag-advance taping naman and they will be back on the 12th in time for the showing ng “The Trial” on Oct. 15.

Mamimili raw siya ng kung anumang makita niyang paninda sa Europe tutal nandoon na rin lang silang mag-asawa. Silang dalawa lang ang bumiyahe pero minu-minuto naman siyang nagku-communicate sa mga anak nila kaya parang magkakasama pa rin sila araw-araw.

Speaking naman of our baby Arjo Atayde, magaganda ng feedback sa kaniya ng ardent followers ng afternoon soap niyang Pure Love. The soap got the highest ratings sa 10 shows ng lahat ng networks on that category.

Grabe ang taas ng rating ng serye, ganda naman kasi talaga ng palabas and Arjo is such a great actor. Hanep sa husay!
“I also want to try movies one day.

Pag merong opportunity, I’m sure ready na ako for the big screen. Ha-hahaha! Medyo hinog na kumbaga,” lambing ni Arjo nang makatsikahan namin.

Oo naman. Sa ipinakikita niyang husay sa pag-arte, gosh! He could be one of the country’s best sa henerasyon niya. Actually, in the tradition din of John Lloyd Cruz.

Iyan ang nakikita namin but of course, we want him na magkaroon ng sarili niyang identity which he already has.

Read more...