Sulat mula kay Jenny Candabong, Argao, Cebu
Dear Sir Greenfield,
1. Mag-iisang taon na po kaming nagli-live in ng boyfriend ko pero wala pa kaming anak, hanggang isang araw dahil sa nararamdaman kong malimit na pagsakit ng aking tiyan ay nagpatingin ako sa isang albularyo. Ang sabi ng albularyo kaya daw sumasakit ang tiyan ko dahil may nainom daw ako na isang bagay na nagpapasakit dito at ang lumabas sa tawas na isinagawa sa akin na hindi ko daw talagang mahal ang ka-live in ko kaya hindi kami magka-anak at ginayuma lang daw ako nito.
2. Dahil sa sinabing iyon ng albularyo binalikan ko ang aking nakaraan, naalala kong noong nililigawan palang ako ng ka-live in ko ay inis na inis talaga ako sa kanya hanggang sa isang araw namulat na lang ang sarili ko na mahal ko na pala siya kaya sumama na ako sa kanyang makipag-live in kahit hindi kami kasal. Totoo kaya ang sinasabi ng albularyo na ginayuma lang ako ng ka-live ko? Kapag kasal na daw kami saka palang mawawala ang sakit ng tiyan ko at kapag kasal na daw kami ay magkaka-anak na rin daw kami. Totoo kayang lahat ng sinasabi ng albularyong ito at totoo kayang ginayuma lang ako? February 25, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Jenny ng Argao, Cebu
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Pisces (Illustration 2.) ang nagsasabing kung ang kasalukuyan mong ka-live in ay isang Cancer, tiyak ang magaganap, ginayuma ka man nito o hindi, hindi na nga kayo magkakahiwalay sa halip pang-habang buhay na ngang itatala ang isang masaya at maunlad na relasyon na bibiyayaan ng dalawang malusog na supling isang matalinong lalaki at isang malusog at cute na babae.
Numerology:
Ang birth date mong 25 ay nagsasabing masyado kang mapaniwalain sa mga albularyo, gayuma at pamahiin. Hindi totoo ‘yan! Sa halip dahil sa mga pananiniwalang nabanggit, bumabagal tuloy ang inyong pag-unlad at tagumpay. Itakwil ang nasabing paniniwala, sa halip sa isang espesyalistang doktor ka magpatingin, upang tuloy-tuloy ng makamit ang kaligayahan at malusog na pangangatawan.
Luscher Color Test:
Upang tuluyan ng mawala ang iniinda mong karamdaman, bukod sa wag kang magpapa-gutom mas makabubuting lagi kang magsuot ng paborable mong kulay na berde. Sa ganyang paraan, tulad ng nasabi na, bukod sa mapananatiling malusog ang iyong pangangatawan, sa kulay na berde mas madali ka ng mabubuntis.
Huling payo at paalala:
Jenny ayon sa iyong kapalaran kung sino ang lalaking kinakasama mo sa ngayon, tunay na tunay siya na rin ang magiging ama ng inyong mga anak sa susunod pang mga tao. Mahalin mo siyang mabuti at paglingkuran sapagkat siya ay hulog sa iyo ng langit na sa takdang panahong inilaan ng kapalaran sa sandaling may mga anak na kayo, sa saktong taong 2022 sa edad mong 34 pataas uunlad na ng uunlad ang inyong pamumuhay hanggang sa tuluyan na rin kayong yumaman.