John Lloyd: Marami na rin akong babaeng sinabihan ng ‘I Love You’

john lloyd cruz

MARAMING direktor na ang nakatrabaho ni John Lloyd Cruz kaya isa sa mga itinanong sa kanya sa presscon ng pelikulang “The Trial” kung ano ang experience niya sa direktor nilang si Chito Roño.

“Ibang-iba talaga. I’m sure, masasabi niyo ang pagkakaiba ng style ni Direk Chito mula kina Inang (Olive Lamasan), Direk Cathy (Garcia-Molina), at ‘yung mga iba ko pang director na nakakatrabaho” simulang sagot ni John Lloyd.

“Natutuwa ako kasi nakaranas ako ng ibang experience. Kasi, ‘yun naman ang palagi kong hinahangad, parang iba naman. Kasi, the moment na maging complacent ka, yun na ang dulo mo.

“Si Direk Chito, ibang-iba siyang director. I wouldn’t say he’s an actor’s director, ‘di ba? Pero alam niya ang gusto niya at importante na alam mo ang pinupuntahan ng ginagawa niyo.

And ibig sabihin nu’n, ibang klaseng proseso ang madi-discover mo sa sarili mo na, ‘Puwede pala ‘to? Kaya ko pala ‘to?’” kuwento ng aktor.

Naitanong din kay JLC kung bakit niya tinanggap ang papel na mentally-challenged, nagsawa na ba siya sa mga romantic-comedy? “Nakakagawa rin tayo ng mga pelikula, like Dubai (2005), In My Life (2009), The Mistress (2012), natutuwa ako sa Star Cinema, sa kanilang pag-aalaga sa filmography, natutuwa ako na every once in a while, may sumusulpot na ganitong pagkakataon.

“In effect, parang it keeps you hungry, kasi we want to be able to deliver something new all the time. So, kung pare-pareho ‘yung gagawin mo, but I’m not saying kung pare-pareho ‘yung ginawa kong rom-com.

“Actually, ang challenge din du’n, kung paano mo pag-iiba-ibahin dahil ilang babae na rin ang sinabihan ko na mahal ko sila, so ‘yun talaga ang mahirap.  Yung tinatawag nilang look of love, kung paano mo pag-iiba-ibahin.

“I’m very happy that with opportunity like this one, nagsi-circuit pa rin, lumalabas pa rin. So, ayun, I’m very happy sa kinalabasan and I’m very excited na makita siya, kasi hindi ko pa siya napapanood,” paliwanag pa ng aktor.

Sa pagkakaalam namin, pangatlo na si Lloydie na gumanap bilang special child nauna na si Gerald Anderson sa seryeng Budoy at si Piolo Pascual sa pelikulang “24/7”.

“Napanood ko ang mga yun, isa du’n (24/7 In Love), naging parte ako. Pero alam mo, sa pag-iingat mo, kailangan mong iwasan ang mga ganyan.

Ayaw mong ma-corrupt ang focus mo. Ayaw mong ma-corrupt ‘yung ini-invest mo na oras, na research at  pagbibigay ng oras at pagkatao dun sa character.

“Ayaw mong mabahiran ng pagkatao ng iba o ng character ng iba. I think, I made a conscious effort na huwag makita,” katwiran ng aktor.

In connection with the title na “The Trial” ay natanong si John Lloyd kung ano ang  mga naging trial niya sa buhay, “Siguro ako, during my early years in the business.

Naranasan ko ‘yung apat na shows, sabay-sabay. Sabay-sabay rin yung  apat, nawala.  “At that time, talagang sabi ko, ‘Tama ba ‘to?’ Talagang ginive-up ko ang pag-aaral ko.

At that time, talagang ang artista noon, baduy, unlike ngayon. Noon, ‘Ang baduy mo, pinsan!  “Talagang yung pinagdaanan ko noon, matinding trials yun. Lahat nawala.

Hindi mo alam kung saan papunta yung pinasok mo. But I’m glad na nag-stay ako and I’m here,” say ni JLC.

READ NEXT
Buwan ng Kape
Read more...