Goma ‘natakot’ nang magpakasal kay Lucy

richard gomez
Mukhang matatagalan pa bago matuloy ang pangarap na pelikula ni Richard Gomez kasama sina Robin Padilla at Aga Muhlach dahil lahat sila ay abala sa kani-kanilang proyekto.

Katatapos lang ni Goma sa pelikulang “The Trial” na ipalalabas na sa Oktubre 15 mula sa Star Cinema na idinirek ni Chito S. Roño, pero mauuna munang ipalabas ang “The Janitor” nila ni Dennis Trillo  mula APT Entertainment na iri-release ng Star Cinema mula sa direksiyon ni Mike Tuviera.

Si Robin naman ay super busy sa shooting ng “Andres Bonifacio” at sa tapings ng Talentadong Pinoy season 2. Samantalang si Aga though wala siyang projects ngayon sa showbiz, busy naman siya sa kanyang mga negosyo.

Going back to “The Trial”, isang abogadong magtatanggol kay John Lloyd Cruz ang papel ni Richard, asawa niya rito si Gretchen Barretto na isang developmental psychologist.

Hindi sila magkasundo kaya nagbabalak na silang maghiwalay. Ang anak naman nila played by Enrique Gil ay may sakit  sa puso.Natanong ang mga bida ng “The Trial” kung anu-anong trials na ang napagdaanan nila sa buhay.

Ani Goma, “Ako dalawa ang biggest trial na dumaan sa buhay ko, una, entering the business kasi hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin, parang you’re entering something unknown sa akin.

Siyempre at that time, I was in college, nagtatrabaho sa McDonalds eventually and I’m also working sa Bayanihan Dancers (DOT), so pagpasok ko talaga ng industry that time hindi ko alam kung anong mayroon at anong mangyayari.

“Yung pangalawang biggest trial siguro was the time na I was about to get married, hindi ko alam kung ano ‘yung magiging reaction ng fans, alam naman natin ang mga fans may pagka-seloso ‘yan, eh.

Pero naisip ko at that time before getting married, nag-mature na rin ang fans na kahit matinee idol ka at nag-asawa ka, they will love you and eventually ‘yung mapapangasawa mo and that’s what happened.

So ‘yung mga trial ko, na-overcome ko,” ani Goma. Kasama rin sa pelikula sina Sylvia Sanchez, Jessy Mendiola, Benjamin Alves, Vince de Jesus at Vivian Velez.

Read more...