Robin naglabas ng P50K para manalo ang ‘BET’ niya sa Talentadong Pinoy

robin padilla
GALING sa bulsa ni Robin Padilla ang P50,000 na ibinigay sa napili niyang winner sa Talentadong Pinoy finals na mapapanood ngayong gabi sa TV5.

Lahat ng finalist ay magagaling, pero para kay Robin ay may dalawang contestants ang stand out at ‘yung isang gusto niya ay hindi napili ng talent scouts na sina Derek Ramsay, Gelli de Belen, Richard Gutierrez, Arnell Ignacio, K Brosas at Antoinette Taus.

Kaya bago niya in-announce ang napili niya ay kumunsulta muna siya kay TV5 executive Wilma Galvante kung puwedeng dalawa ang panalunin at pinayagan naman siya sa kundisyong sa sariling bulsa niya manggagaling ang premyo na sinang-ayunan naman ng aktor-TV host.

“Ang asawa ko (Mariel Rodriguez) ang kahati ko, bale tig P25,000 kami,” tumatawang sabi ng aktor.  Sayang nga at hindi namin naabutan sa taping ang performance ng contestant na napili ni Robin na ayon sa lahat ay magaling talaga kaya abangan kung sino kina Lights Production, Mystique, Crew Mechanix, Empoy & Entoy Brothers, Madibeats, Street Voice at Tazmania ang tatanghaling Talentadong Pinoy 2014.

Read more...