JRU makikisalo sa Perpetual Help Bandera

JRU makikisalo sa Perpetual Help

Mike Lee |October 03,2014
share this

JRU makikisalo sa Perpetual Help

Mike Lee October 03, 2014 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon (The Arena, San Juan)
9 a.m. Jose Rizal University vs Mapua Tech (srs)
11 a.m. Jose Rizal University vs Mapua Tech (jrs)
1 p.m. Lyceum vs Letran (srs)
3 p.m. Lyceum vs Letran (jrs)
Team Standings: San Beda (13-4); Arellano (12-4); Perpetual Help (11-6); St. Benilde (10-6); JRU (10-6); Letran (7-9); Lyceum (6-10); San Sebastian (5-11);
Mapua (4 -12); EAC (4-14)

HINDI na matutuloy ang laro ng Mapua at Jose Rizal University sa 90th NCAA men’s basketball ngayon dahil hindi pa rin makakabuo ng limang players ang Cardinals.

Babalik mula sa one-game suspension sina Ronnel Villasenor at Darrel Magsigay pero hindi pa puwedeng isalang dahil may iniindang injuries.

May fractured right cheekbone si Carlos Isit matapos suntukin ni John Tayongtong ng Emilio Aguinaldo College para pasimulan ang free-for-all.

Ang desisyon ay nagresulta para saluhan uli ng Heavy Bombers ang pahingang University of Perpetual Help sa ikatlo at ikaapat na puwesto sa 11-6 karta habang nagsolo sa ikalimang puwesto ang College of St. Benilde Blazers sa 10-6 marka.

May dalawang laro pa ang Blazers habang tig-isa pa ang Altas at Heavy Bombers kaya’t malaki ang posibilidad na magkaroon ng playoff para sa huling upuan patungo sa semifinals.

Ang larong mapapanood ay sa pagitan ng Letran at Lyceum na magsisimula sa ganap na alas-3 ng hapon.

No-bearing na ito dahil parehong eliminated na ang Knights at Pirates ngunit asahan na hahataw pa ang mga manlalaro nito para magkaroon ng magandang pagtatapos.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending